Vincent
"Please lang huwag si Keena, iba na lang ang gustuhin mo.."
Hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang sinabi sa akin ng best friend ko. Ano bang alam niya tungkol kay Keena?
Ano ba talagang problema niya? Bakit siya nagkakaganyan? Kung hindi ko lang 'to best friend, ay baka nasapak ko na 'to, e.
Sa inis ko ay napalakas ang boses ko. "B-bakit? Ano bang problema mo kay Keena?!" tanong ko subalit parehas kaming natigilan nang may sumali sa usapan namin.
"Nandito si Keena?" Napaisip ako. Bukod kay Lithian ay may iba pang nakakakilala kay Keena?
Napalingon kami sa nagsalita at hindi namin inaasahan ang babaeng nasa gilid namin.
Maganda siya, mukhang rich kid, mataray ang mukha, at makinis.
"Beatrice..." sambit ni Lithian sa kawalan. Doo'y napansin ko siyang dahan-dahang napalunok.
"Hi Lithian, long time no see," mataray nitong pagkakasabi bago pa ito sandaling napatingin sa akin.
Ilang segundo rin silang nakatitig sa isa't-isa. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.
Hanggang sa ako na ang matapang na bumali ng katahimikan. "Ahm, excuse me, miss? Sino ka ba?"
Napangiti lang siya-- ngiting makahulugan, kaya na-weirduhan ako.
"Hindi mo ba ako kilala?" tanong nito pabalik.
Nagawa nitong lumapit kay Lithian at hindi ko inaasahan ang sasabihin niya, "I'm his ex girlfriend, and I'm sure that he will going back to me," tila nagmamayabang na sabi nito.
"Beatrice, stop it," pagpigil dito ni Lithian. Bagay na nakapagpaisip sa akin na hindi komportable kay Lithian na pag-usapan pa ang nakaraan nila.
"And why, Lithian? Ikinahihiya mo ba na naging nobya mo ako?"
Napailing lamang si Lithian bago pa ito nag walk-out, habang napasunod naman kami ni Beatrice.
"Hey, Lithian, nag-uusap pa tayo!" sigaw nito habang magkakasunod kaming pababa kami ng hagdan. Hindi na nga namin pinansin ang mga estudyanteng nakakasalubong namin.
Grabe naman kasi mag eskandalo itong si Beatrice. How pathethic.
Huminto kami sa may parking lot kung saan nakaparada ang kotse ni Lithian. At hindi ko naiwasang makita ang senaryo kung saan ay nagsusumamo si Beatrice na balikan ng best friend ko.
"Lithian, I'm here na, p'wedeng- p'wede na ulit maging tayo.." pagsusumamo nito. Lumapit pa ito at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Lithian. Habang ako ay nanatiling nanunuod lamang sa kanila. Hanggang sa makita kong walang pasabing hinalikan nito si Lithian-- na kaagad namang napabitiw si Lithian sa halik na 'yon.
"Urgh! Stay away from me, Beatrice!" Narinig kong sigaw ni Lithian.
"Bakit? Si Keena pa rin ba, hah?" Hindi nakasagot si Lithian gayunpama'y nabigla ako sa mga narinig ko.
"Ano bang mayro'n kay Keena, hah?" pagsabat ko sa usapan nang dahil sa labis na kuryosidad. Bagay na ikinagulat ng dalawa. Pero pinili pa ring harapin ni Lithian ang ex girlfriend nito.
Subalit para masagot ang aking katanungan ay mas pinili kong makinig.
Hanggang sa marinig ko ang malakas na sinabi ni Lithian. "Wala akong balak balikan sa inyong dalawa! Kaya p'wede ba? Umalis ka na!"
"No Lithian, I can't," nakabusangot na sabi ni Beatrice.
"I told you that we're over. Past is past, Beatrice. And I don't love you anymore.. so please, stay away from me!"
Hindi na nagawang maging kalmado pa ng boses ni Lithian habang napatitig lamang si Beatrice sa kaniya.
"Hindi mo ba ako naririnig? I said stay away fr--" Hindi na niya naituloy pa ang kaniyang sasabihin dahil sinampal na siya ni Beatrice. Habang napahawak na lamang si Lithian sa pisngi na nalapatan ng palad nito. Bagama't hindi pa rin ako makapaniwala sa aking mga narinig ay nanatili lamang akong walang imik.
"How dare you to say that?" Narinig kong sinabi pa ni Beatrice at saka tumawa. "Well, palalampasin ko itong pagkakataon na 'to, Lithian, and the next time that we could see each other again.." Sandali nitong pinutol ang sasabihin hanggang sa magawa nitong ilapit ang mukha kay Lithian. "YOU'LL BE MINE, AGAIN," mariin nitong pagkakasabi.
Pagkatapos ay dali-dali itong umalis patungo sa kotse nitong Mercedes Benz habang naiwan naman kaming tahimik ni Lithian.
Pabalik na sana siya sa building nang magawa ko siyang tawagin.
"Lithian." Natigilan siya.
Magtatanong na sana ako nang bigla siyang humarap siya sa akin at matapang na sinabi, "'Yung mga narinig mo, totoo 'yon.."
Unti-unting nabuo sa isip ko ang lahat, unti-unti ko rin itong naintindihan..
"Ex girlfriend mo si Keena," konklusyon ko.
"Oo," sagot niya.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong nawalan nang gana at tila nawala sa katinuan. Kaya agad kong pinagsusuntok ang pader. At mabilis namang dumaloy ang dugo sa kamay ko.
"Kaya pala! Kaya pala ganoon ka na lang kaapektado sa kaniya!" napapailing na hinaing ko sa kawalan.
"Vince, stop it!" Doo'y nagawang lumapit sa akin si Lithian at bigla niya na lamang akong niyakap. At hindi ko inaasahan ang sumunod na sasabihin niya, "I'm sorry, Vince.. I'm sorry." Hindi ko namalayan na pareho na pala kaming umiiyak ni Lithian. Weird, 'di ba? I know, kabaklaan kung iisipin ang pag-iyak ng isang lalaki, pero may karapatan din naman kaming umiyak, 'no!
Sa sitwasyon na 'yon ay hinayaan kong yakapin ako ni Lithian, tinanggap ko ang yakap niya dahil sadyang hindi ko matitiis ang best friend ko. Agad naman din kaming kumawala sa yakap na 'yon.
"I'm sorry din, Lithian, hindi ko alam na--"
"Ssshh. Basta pinapaalala ko lang sa'yo, huwag mo na siyang gugustuhin.." aniya, bagay na nagpakunot ng noo ko.
At awtomatikong kumorte nang pagngisi ang aking labi. "Teka, wala naman sigurong masama kung magkagustuhan kami, 'di ba? K-kasi past na 'yung sa inyo.."
Doon ko narinig ang pagtawa niya. Sa wakas ay tumawa na rin siya.
"Biro lang! Alam mo naman na wala na 'yon sa'kin. Basta kung saan ka masaya, susuportahan kita.." nakangiti niyang sabi.
"Salamat, Lithian," sabi ko at inakbayan niya pa ako patungo sa kotse niya.
"O, teka, saan tayo pupunta?"
"Mag-iinom," nakangisi niyang sabi.
"Teka lang, may klase pa tayo ah!" pag-angal ko pa dahilan para batukan niya ako. "Aray ah!"
Napangisi siya. "'Wag kang magkunwaring matinong estudyante, Vince," aniya. "Sabihan mo na lang si Peter na sumunod," utos niya.
At tila nahipnotismo akong napasunod sa kaniya habang papasok siya ng Kia Stonic niyang sasakya. At parang hindi pa mag-sink in sa utak ko ang mabilis niyang pagpapaandar nito.
Keena
After class ay naisipan kong maglibot-libot sa mall. Habang naglilibot ako ay bigla na lang akong nagutom kaya dumiretso na muna ako sa may foodcourt. Sa hindi kalayuan ay nakita ko sina Morisette at Stephen na magkasama.
Buti na lamang at nasa bandang likuran ako at napaliligiran ng mga halaman sa may gilid kung kaya't hindi nila ako maaaring makita.
Batid kong mukhang playboy si Stephen kaya hindi ko maiwasan na hindi mag-alala para kay Morisette.
Kaya naman palihim ko silang sinundan nang matapos na silang kumain, sa katunayan ay tapos na rin naman din akong kumain. Nakita kong dumiretso sila sa isang cubicle na wala masyadong dumadaan na tao. Napailing ako, hindi p'wedeng magkamali ang hinala ko. At ewan ko ba kung bakit ko ito ginagawa pero sa tingin ko ay may iba pa akong kailangang malaman tungkol sa kanila.
Nagsuot ako ng shades kahit hindi naman maaraw para hindi nila ako makilala kung sakaling makita man nila ako.
Nakatayo lang silang dalawa at sumisilip-silip kung may taong daraan. At doo'y sinamantala nila ang pagkakataon habang inakala nila na walang ibang tao ro'n bukod sa kanila. Ilang sandali pa ay nakita ng dalawang mata ko ang kalaswaang ginagawa nila.
Hawak-hawak ni Stephen ang maselang bahagi ng katawan ni Morisette habang pinagsasaluhan nila ang halik.
Hindi ko na kinaya pa ang nakikita ko. Hindi ko lubos maisip na magagawang pumayag ni Morisette na gawin nila ang bagay na iyon sa public place.
Sa kabila nang mabilis na pagtibok ng puso ko sa kabang nararamdaman, na baka makita nila ako ay mabilis pa rin akong nakatakbo paalis doon habang nakita ng peripheral vision ko na napatigil sila sa kanilang ginagawa.
Nag-ikot-ikot na muli ako sa mall, tumingin ng damit, alahas at nagpunta na rin ako sa national bookstore upang bumili ng sketch paper. Mahilig kasi akong mag-drawing, kaya kinuha ko rin ang course ko na Arts and Design.
Pauwi na sana ako nang mapadaan ako sa isang salon. Pinagmasdan ko ang buhok ko sa isang window glass na makikita ang pustura ng sarili mo. Naisip ko na ilang taon na rin pa lang mahaba ang buhok ko at nakakasawa na rin ang mahaba lang ang buhok at walang shape. Kaya naisipan kong magpagupit.
"Hi beautiful, ano pong gupit niyo?"
"V shape po," nakangiti kong sagot.
Nang malapit nang matapos ang paggugupit sa buhok ko ay naisipan kong magpalagay ng bangs.
At pagkatapos no'n ay blinower na niya 'yung buhok ko.
"Wow! You look prettier po, ma'am!" nakangiting aniya.
"Salamat." Hinawi ko ang bangs na medyo humaharang sa mata ko. At pinagmasdan ang aking sarili sa salamin.
I'm look different. At kakaibang saya at satisfaction ang naramdaman ko.
Pagkauwi ko sa bahay ay nagsimula na akong mag-drawing. Sinabayan ko rin ito ng music upang lalo akong ganahan.
Now playing: [Shut up And Dance With Me (Mush Up) Covered By: Nightcore]
Oh don't you dare look back
Just keep your eyes on me,
I said you're holding back
She said shut up and dance with me...
Sa kalagitnaan ng pagdu-drawing ko at pakikinig ng music ay siya namang katok ni Mama sa pinto ng aking k'warto.
"Bukas po yan, ma.."
Pumasok naman siya kaagad. At doo'y napatitig siya sa akin na parang may ibig sabihin.
"Oh bakit po, ganiyan ka kung makatingin, ma?"
"Nagpagupit ka pala. Bagay sa'yo, anak ang bangs mo." Napangiti naman ako. Lumapit ako kay Mama at niyakap ko siya.
"Si mama talaga, naglalambing na naman," pabiro kong sabi dahilan para tumawa lamang si Mama.
"Masama bang kamustahin ang unica hija ko?"
Ngumiti lang ako habang nakayakap pa rin ako sa kaniya. Nakakatuwang isipin na after all these years, hindi pinaramdam sa akin ni Mama na may kulang, kahit na wala na si Papa. She proves to me that she could be a mother and a father at the same time.