Lawrence and Erika's Love Story Five Years Ago... Kinabukasan ay maagang nagising si Lawrence. Ang inaasahan niyang dalawa sila ni Alejandro na maglilibot sa bukid ay hindi nangyari. Wala na ang Daddy nila at si Alejandro dahil maaga raw naglibot sa bukid. Hindi naman pala siya talaga kasama sa plano. At kahit sabihin ng lahat ng tao na magiging magaling siya sa pamamahala sa hacienda ay balewala. Dahil si Alejandro ang unang anak ay ito pa rin ang gusto ng Daddy niya na mamahala ng Hacienda Luna. Wala nang kaso kung sino ang mas magaling. O kung sino ang malaki ang paghihirap. Natagpuan na lang niya ang sarili na nasa bahay ni Erika. Kagigising lang daw nito ayon sa katulong. Kalahating oras pa siyang naghintay bago ito bumaba mula sa ikalawang palapag. "I never thought y

