Paglabas ni Erika sa banyo ay nakaroba na ito. At dahil nasa kamay niya ang underwear nito'y tiyak niyang wala itong suot ngayon. Ipinilig niya ang ulo para alisin sa kaisipan ang gumaganang imahinasyon. "Nahulog mo," aniya na inilagay sa kamay nito ang pulang panty bago pumasok sa banyo. Hindi niya alam kung bakit may kuryente sa paglalapat ng kanilang mga kamay. Mabilis siyang pumasok sa banyo para iwasan ang tukso bago pa siya matangay. Pagpasok niya sa banyo ay naitukod muna niya ang isang kamay sa dingding. Tatlong linggo na silang araw-araw na magkasama ni Erika kung tutuusin. At nakapagtataka na iba na ang tingin niya sa kaibigan ng pamilya nila. He used to look at her like an older sister -- matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Lagi itong nasa bahay nila dahil mag-isa ito mada

