Pagkatapos maglibot sa bukid ni Lawrence at makipag-usap sa mga trabahador sa unang linggo, sa opisina ni Erika naman siya namalagi para i-check ang financial report ng hacienda nang sumunod na araw. "Mababa ang produksyon niyo kaya't wala talagang kikitain ang hacienda," wika niya kay Erika. De hamak na masa malaki ang lupa ng Hacienda Luna, pero wala pa sa one-fourth ang naaani dito. Dahilan para tama lang sa pampasahod ng mga trabahador at pagbili ng mga pataba ang perang umiikot sa hacienda. "Anong magandang gawin?" tanong ni Erika. "Papupuntahin ko dito ang mga suppliers ng Hacienda Luna. Kailangan nating magdagdag ng iba pang pananim bukod sa mangga at palay. Malaking bagay ang produksyon ng mga gulay na hindi naman maselang itanim." "Okay..." "Bakit hindi updated ang financial

