Agad na pumasok si Lorabelle sa clinic ni Dr. Tayag na kaibigan di ng mga Silvestre. Nakaupo si Alejandro sa silya habang kausap nito ang doktor. "Alejandro! Ano ang nangyari sa 'yo?" nag-aalala niyang tanong. "Oh, is she your wife?" tanong kaagad ng doktor pagkakita sa kanya." "Yes, doc, she's my lovely wife." "Oh... At mukhang magkakaanak na kayo." Ngumiti siya sa doktor sa kabila ng pag-aalala at tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Overfatigue lang ang problema ng asawa mo, huwag mong masyadong ipag-alala. Sinabihan ko na siya na maghinay-hinay sa trabaho dahil baka hindi niya abutang maka-graduate ang anak niyo sa kolehiyo." "S-sigurado ho kayo?" "Of course. Mataas ang dugo niya kanina at marahil ay dala na rin ng matinding init kaninang tanghali." Wala sa loob niya ang

