"Lorabelle! Welcome home, anak," Masaya silang sinalubong ng biyenan pagbalik nila sa hacienda ni Alejandro. Yumakap si Lenna Silvestre sa kanya kasunod naman si Dash Silvestre. "Kumusta ang biyahe niyo?" si Lenna. "Maayos naman ho. Sobrang abala nga ang ginawa ni Alejandro sa mga Albano, nag-request pa ng private plane. Tapos chopper pa ho nila ang naghatid sa 'min dito." "Hayaan mo na 'yang asawa mo at bumabawi sa 'yo. Umakyat muna kayo sa silid para makapagpahinga. Tatawagin namin kayo kapag nakahanda na ang hapunan," si Dash Silvestre naman ang nagsalita. Sinamahan siya ni Alejandro sa silid para na rin makapagpalit ng damit. Agad siyang umupo sa kama dahil nahapo siya sa haba ng biyahe. "Napagod ka ba?" "Medyo... Ipapahinga ko lang 'to. Tumawag nga pala si Chelsey sa 'kin kanin

