Nakatanaw si Alejandro sa nagtataasang building sa labas ng ospital. Wala pa ring malay si Lorabelle pero ligtas na raw ito sa kapahamakan. Hinihintay na lang na mawala ang epekto ng gamot na pampatulog na ipinainom ni Duke para magising. Pero bed rest daw ang kailangan nito dahil mahina pa ang kapit ng bata sa sinapupunan ni Lorabelle. Nilapitan niya ang asawa at umupo sa gilid ng kama. Kinuha niya ang kamay nito at hinalikan. Dalawang oras pa marahil ang hihintayin nila bago ito magising. Kumalat na sa balita ang statement na ginawa niya kanina sa harap ng mga reporters. Nagkaroon ng maraming haka-haka. Umingay ang pangalan niya at naghahalughog na ang media kung paano sila naging mag-asawa ni Lorabelle. Tumawag ang Daddy niya kanina lang na may ilang reporters na rin daw an

