Dala ni Lawrence ang dalawang tasa ng kape sa opisina ni Erika nang datnan niya ang asawa na nagpupunas ng luha sa mata. Naantig siya sa nakitang pag-iyak ni Erika na pilit pang itinatago sa kanya. "Thank you," mahina nitong sagot pagkatapos niyang iabot ang kape. "Kumusta ang pag-uusap niyo?" "Okay naman... Uuwi daw siya pag bumuti ang panahon." "Hmmm... Okay..." "Siya ba ang tumatawag sa 'yo, o ikaw ang tumatawag sa kanya?" tanong nito sa pagitan ng paghigop ng kape. "Minsan ako, pero madalas siya." "Ano ang pinag-uusapan niyo?" "Ang hacienda at ikaw," sagot niya. Hindi niya inaalis ang tingin sa mukha ng asawa. Pero madalas ay napapatunayan niyang hindi nito kayang makipagtitigan sa kanya. Na ipinagtataka niya dahil dati naman ay laging nakataas ang noo nito sa sinumang kau

