Three

1771 Words
Three It's been five days since he left me here in mansion. Hindi ko inakalang napaka pursigido niya para lang hanapin si Alisa. My lips form a smile. Of course, hindi ako tanga para ilagay si Alisa na 'yon sa madaling lugar para lang mahanap. Poor, Vernon. Mabuti nga sa kaniya. Uugatin muna siya bago niya mahanap 'yong kabit niya! Kahit kanino ay hindi ko ipinaalam na buntis ang kabit niya. Hindi ko alam sa kung sino ba ang dapat kong pagsabihan. I won't quit. "Madame, ito na po ang hot chocolate niyo." Si Allen sabay lapag nito sa lamesa. Tahimik ko lang pinagmamasdan 'yong malawak na hardin ng mansyon at iniisip kung babalik pa ba si Vernon. Alam kong iisipin niya na tinago ko ang babae niya. Which is true, but I won't tell him. Mapayapa kong sinimsim ang mainit na tsokolate. Ang pinangarap ko lang naman noon ay maging masaya at bumuo ng pamilya kasama si Vernon. Pero nawala lahat ng 'yon ng dahil sa impaktang Alisa na 'yon! Tinapos ko lang ang pag inom sa tsokolateng inumin at saka naglakad-lakad sa hardin. If only Vernon would love me again. Ayos na, magiging ayos na ang lahat. Pero hanggang nandiyan pa si Alisa, malabo na mangyari 'yon. I need to think of how I can get rid off Alisa from my husband's life. To the point na wala na siyang balak pang makita 'to. Nagbuntong hininga ako at saka iwinaksi muna ang sariling ideya. Hindi ko na muna iisipin 'yan sa ngayon hanggang hindi pa naman nalalaman ni Vernon na hawak ko si Alisa. Papatayin ko ang mga tauhan ko oras na magsalita sila. Hindi ko sila binayaran para maging bobo at lantaran na sabihin kung nasaan si Alisa. "Aubri, where the f**k is Alisa!" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na 'yon. Si Vernon 'yon na papalapit at namumula sa galit. Halata ang puyat niya sa mukha. He has dark circle around his eyes at halatang hindi rin nakapag ahit. May bigote, at mukhang walang mapayapang tulog. What now, my husband. Sabi ko na nga ba't babalik rin siya sa akin. Nakataas kilay ko siyang sinalubong. "Saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang?" Napapikit ako sa pagsigaw niya. "I am not here to hear that! Saan mo dinala si Alisa!" I grin at him at saka siya hinagkan. "Oh my gosh! Iniwan ka na niya, Vernon." Sa galit ay napalakas ata ang pagkatulak niya sa akin at napaupo ako sa damuhan. Agad na inalalayan ako ni Allen na makatayo. Kailangang mapaniwala ko siyang wala akong alam. Pinilit ko pang umarte na umiiyak para lang mapaniwala siya. "Stop blaming something that I didn't actually do, Vernon!" Pinapatahan pa ako ni Allen. Lumapit ako kay Vernon at saka siya pinagsusuntok sa dibdib niya. "I don't f*****g know where the hell is that b***h! Bakit sa akin mo siya hinahanap!?" Hinuli niya ang pares ng kamay ko at saka mahigpit 'yong hinawakan. "I know you, Aubriella. And I'm f*****g sure na may kinalaman ka sa pagkawala niya. Ikaw lang naman ang may motibo na gumawa ng masama kay Alisa!" Pinalis ko ang luha gawa ng pag arte ko. Fine, ako nga! Pero in his dreams na aaminin ko na hawak ko ang babae niya. Hindi pa ako baliw at gano'n ba talaga kasama ang tingin niya sa akin? "Wala akong kinalaman sa pagkawala niya. Baka napagtanto niya na hindi ka niya mahal, Vernon." Marahas na binitawan niya ako at saka kinaladkad ako papasok ng mansyon at padabog niyang isinara ang pinto ng kwarto na akala ko'y masisira na sa lakas ng pagkakasara niya. "Where the hell is Alisa?" Akala ko naman ay naniwala na siya. Babatuhin parin pala niya ako ng tanong. "Sa huling pagkakataon, hindi ko alam." he shooked his head at nagulat ako ng sipain niya ang cabinet na satingin ko'y halos matumba na. He's fuming mad right now. Sa tantya ko'y kaya niya na akong saktan ng pisikal sa sobrang galit niya. Mas masakit parin ang emosyonal na hatid niya kaysa sa subukan niyang saktan ako ng pisikal. Walang papantay sa sakit na ramdam na ramdam ko ngayon. And I'm not afraid if he at least try to hurt me, physically. "f**k, Aubri. f*****g tell me where's my Alisa, please..." He's so frustrated and what? He even said please to me? Para lang sa babae na 'yon? Gagawin niya ang kahit ano? Kahit magmakaawa sa akin? Unbelievable, Fajardo! Really, Vernon. My Alisa, huh? Kung ganiyan lang din naman. Nope, I won't really tell him. At hindi ako matatakot sa kaniya. "I told you, I didn't know. At wala akong balak na pag aksayahan ng oras ang babae mo. Just stop blaming me, will you?" He punched the freaking cabinet at rinig ko ang lakas no'n. "Oras na malaman ko na ikaw ang may kasalanan. Forget about us, Aubri. Wala na akong balak kang makita kapag nalaman ko na may kinalaman ka sa pagkawala ni Alisa." Malungkot ko siyang tinignan at ngumiti. "I can't forget us, ikaw lang naman 'tong nakalimot sa atin, e. Kinalimutan mo ako, Vernon." He went to the bathroom and I stayed here on the bed. Silently crying. Nahiga ako at nakatingin lang sa labas habang umiiyak. Wishing that one day, bumalik na si Vernon sa akin. Gano'n lang ako hanggang sa marinig kong bumukas na ang pinto ng banyo. Hindi ko alam kung lumabas na siya o nandiyan pa. Kinabukasan ay nagising nalang ako sa katok na sunod-sunod. Taas kilay akong bumangon. I was still wearing my clothes yesterday. Naalala kong nakatulugan ko nalang ang pag iyak kagabi. Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto ang kung sino mang poncho pilato ang bwisit na kumakatok. "Madame, mabuti naman at gising na kayo! Omg, Madame. Kailangan niyo na raw po umalis, e. May emergency raw ho sa Maynila!" Tarantang sabi niya. "Ano bang nangyari?" "Nasa ospital daw ang Dad ni Sir! Eh pasakay na ho ng sasakyan si Sir." Hindi na ako nag abalang maghilamos o ano. Tumakbo na ako palabas ng mansyon dala ang bag, nakayapak at nakita kong pasakay palang si Vernon sa sasakyan kaya nagmamadali ko siyang itinulak pa loob. "Ano pang ginagawa mo, Jeff! Drive now!" Pati siya ay nagulat sa pagsulpot ko pero binalewala niya 'yon. Hindi naman ako bad breath kahiy hindi ako magtooth brush. "Ano'ng nangyari kay Dad?" "Mom called, he's now in operating room." "Dammit!" napalingon siya sa akin. Nagtataka at alam kong nag aalala rin siya para sa sariling Ama. "Sumugal parin sila na magpa heart transplant si Dad, kahit ilang porsyento lang. But I know he can make it." Rinig ko ang sunod-sunod niyang pagmumura. Pagkababa ng sasakyan ay agad na kaming sumakay ng chopper. Taimtim akong nagdasal habang nasa himpapawid. I really hope na successful ang operation at makayanan ni Dad. Hindi naman siya gano'n pa katanda. Pero napaka komplikado ng operasyon. Sinalubong kami ng mga pinsan ni Vernon pagkababa. Naghihintay na pala sila rito sa building. "Long time no see, Vernon." Si Axus. "I have no time for that." Ngumiwi nalang ito sa kaniya. Nauna sa akin maglakad si Vernon. "Where's your shoes, Aubri? Nakayapak ka lang?" maging ako'y napatingin sa paang walang suot ngayon. Sa pagmamadali ko hindi ko na inabala. Isa pa, ang walanghiyang asawa ko may balak pa ata akong iwas sa Alfuente! Sinimangutan ko lang si Hell at saka naglakad na. "You know what, pwede kang sumampa sa liko--woah!" Bumalik si Vernon para hatakin ako. "Stop flirting with my Wife, Hell." Hindi ko mapigilang matuwa. Halos magsirko naman ang puso ko. Dammit, Vernon. Nakakainis 'yong lalo lang akong nahuhulog sa'yo pero ikaw nakukuha mo lang akong saktan. I don't care if I have no shoes or what. Mahalaga ay 'yong alam kong mayroon parin kahit konti. Damn, Fajardo. "Aubri, Hija!" tumakbo kaagad sa akin ang Mommy ni Vernon. Si Vernon, kunot pa ang noo nitong nakatingin sa akin. Inismiran ko siya at saka pinagtuunan ng pansin si Mommy. "Dad will be fine, Mom." Sabi ko at ngiti sa kaniya at pinaupo na siya. "I know, Hija, thank you so much." He looked at Vernon who's now standing in front of us. "Ang akala ko'y hindi ka na magpapakita, Hijo. Hindi mo alam ang hirap ng asawa mo sa paghahanap sa iyo. Sana maayos niyo na ang lahat." Sa kay Mommy lang ako nakatingin. "We're not here for that, Mom." he said, mababa at malamig na tono. His Mom looked at me. I only smiled at her. Kahit na gusto ko siyang awayin sa sinabi niya. May punto siya, hindi 'to ang panahon para sa mga bagay tungkol sa amin ni Vernon. Ilang oras pa kaming naghintay sa labas ng operating room. Nakaupo lang ako at paminsan minsa'y kinakausap si Mommy. Naka idlip na nga ako't lahat hindi parin tapos. May siyam na oras narin sa loob ng operating room ang Dad ni Vernon. "Mom, you want coffee?" I asked her. Maging ako ay nagugutom na. Tango lang ang sinagot ni Mommy. I stood up and started walking ng maramdaman ko na may humatak sa akin pabalik. "What?" "Ako na." sabay tingin niya sa paa ko. Darn, I am not wearing something, bear foot ako. Ngumuso ako. "I want hot chocolate." He just nodded at umalis na. Hindi ko alam kahit simpleng tango niya lang okay na ako. Mas okay 'yon kaysa magsabi siya ng masasakit na salita. Ilang minuto lang siya nawala. Mga nasa bente minutos. May dala na siyang inumin. "Thanks!" maligaya kong sabi ng malamang binilhan niya ako ng ipinagbilin ko. He gave his Mom's coffee too. Tahimik kong ininom ang tsokolate ko. I was surprise ng may inilagay siya sa tabi ko na box. Ibinaba ko 'yong iniinom ko at binuksan na 'yong box. It was hell a flat shoe. Kulay maroon na paborito ko. Sinukat ko agad. Kasya, alam niya parin pala ang sukat ng paa ko. I can't help it, I may look like an idiot right now. Hell, masaya ako, e. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. I mouthed thank you to him. He just stared blankly. Gano'n lang ang nakuha kong reaksyon mula sa kaniya. At least, he really still care for me! Napatayo kami ni Mommy ng lumabas na si Doc. Nasa likod lang nila ako. "How's my father?" Kinabahan ako bigla. Pero ng makita kong ngumiti si Doc. I know, its successful. "He made it, the operation is successful!" I sighed in relief. Damn, thank you! Salamat talaga at okay si Dad. I know, magiging maayos ang lahat. Ililipat na raw muna sa isang kwarto si Dad. Kailangan parin obserbahan. Para sa mas ikabubuti. Hindi na ako sumama sa loob. Hinayaan ko na sila Mom at Vernon nalang muna. Hinintay ko nalang sila sa labas. Nagugutom na ako. Will Vernon refuse If I ask him to eat with me? Hindi naman siguro, ano? "You can go home." napa angat ako ng tingin. Kalalabas niya lang sa kwarto ni Dad. "Ayoko, nagugutom na ako." sabi ko. Sa paglalambing na tono. "Edi kumain ka." Nanlumo ako sa kinauupuan ko. He's so harsh! He could even at least treat me well. Lumapit ako sa kaniya at kumapit sa braso niya. "Please, Vernon? Please?" Tinignan niya ako. Wala akong mabasa. Nakatingin lang siya sa akin na parang estranghero ako. Inalis niya 'yong kamay ko. "No, Aubri." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD