Two

1810 Words
Two "Stop smiling like that, mukha kang baliw." My face crumpled after he said that. I know he still care for me and damn, tinawag niya akong wife. At least, mayroon parin naman akong puwang sa kaniya. Ngumuso ako sa kaniya at saka namaywang sa harap niya. Nakatali parin siya sa silya. I know, I know. Hindi naman ako gano'n kasama para hindi siya tanggalin diyan. But the thought of his kabit. Hindi nalang siguro, hindi ko nalang siya aalisin kung tatakas at aalis lang siya. Umalis na 'yong dalawang baliw kanina sa susunod daw ay dadalaw ulit sila. "You want me to free you up?" Seryoso ako. Napansin ko ang pag iwas niya ng tingin sa akin at kasabay no'n ang pagsibangot niya. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niya si Alisa. Mas maganda ako, I am more attractive than her. Mas sa kaniya, pero bakit siya parin ang pinili nitong si Vernon. Or, "Magaling ba sa kama ang kabit mong malandi?" I saw how he's so mad about that. Nagkasalubong ang kilay. "Stop calling her in names, Aubriella!" I shut my eyes, halos nabingi ako sa pagsigaw niya. Ngumisi ako. "Bakit? Totoo namang malandi 'yang kabit mo!" nangigil kong sigaw sa kaniya sabay sampal. "Kung hindi ka babalik sa akin, sisiguraduhin kong gagawin kong impyerno ang buhay ng babaeng 'yon." Kita ko ang panghahamon sa kaniya. "Try me, Aubri, try me." Nginisian ko lang siya at umupo sa kama. "Kung babalik ka sa akin, magiging maayos ang lahat, Vernon." "Stop dreaming, Aubri. Alam mong hindi na mangyayari 'yan." Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Tang ina talaga ni Vernon! Sa inis ko ay hinampas ko siya ng unan ng ilang beses. "Damn you, damn you!" Pagkuwan ay sinabunutan ko pa siya dahil sa galit ko. Tumayo ako at naglakad patungong banyo. Naligo ako at nagbihis. Bibisitahin ko ang magaling niyang kabit. Kahit naman pala subukan niyang tumakas ay wala naman siyang aabutang Alisa. "Saan ka pupunta?" he said in a cold tone. Naibaba ko ang hawak na lipstick at saka siya tinignan mula sa salamin. Ngumiti ako ng matamis at saka siya inirapan. "None of your business, my husband." Tumayo na ako at inayos ang buhok kong kinulot ko pa ang dulo. At saka isinuot ang high heels kong sapatos. I once looked at him before closing the door. Nanghahamon ko siyang tinapunan ng tingin. Ipinahanda ko na ang sasakyan sa isa sa mga bodyguards at binilin ko rin na pakainin nila ang Sir nila at sisiguraduhin nilang hindi sila matatakasan nito kahit imposibleng mangyari. "Ma'am, nagmamakaawa daw po 'yong babae kila Owen na pakawalan na siya. Iyak nga raw ng iyak." Sabi nito bago isara ang pinto. Ngumisi ako. Kahit ano'ng pagmamakaawa niya, I won't let her go! Mamatay na siya doon sa safe house. Mabuti nga 'yon ng makalimutan na siya ni Vernon. "Wala akong paki kay Alisa o sa hinaing niya. Well, anyhow. Let's go at ayokong magtagal sa safe house baka patayin ko lang siya." Hindi naman malayo sa mansyon ang safe house pero sa liblib 'yon matatagpuan. Bukirin na ang likod no'n. Pagkababa ko ng sasakyan, Owen immediately went to me at halatang may bakas ng takot sa mukha nito. Hindi pa mapakali. "Ano'ng problema, Owen?" "Kanina ho kasi nagsusuka si Alisa, Ma'am." Nangunot ang noo ko at madaling naglakad patungo sa loob. Hindi ko maiwasang isipin ang bagay na 'yon. How could Vernon do that to me! Papatayin ko talaga ang babae niya. "Where the hell is that b***h!" Iginaya naman ako patungo sa taas ni Owen at ng ibang tauhan. He open the door and I saw Alisa sleeping. Hindi ko maiwasang hindi kaiinggitan siya. She has this paper white skin, itim at natural ang kulay na buhok. Matangos at maliit ang labi. Alam ko na magkaiba kami ni Alisa. Nagsusumigaw ng kainosentehan at mala anghel ang mukha. While on the other hand, ang sa akin ay matapang. I have this strong and bitchy face. Pero mas maganda ako kay Alisa! Mas maputi lamang siya. Matangos rin ang ilong ko at maliit din ang hugis ng labi ko! Sa gigil ko sa kaniya ay kinuha ko sa tabi ng kama niya 'yong basong may lamang tubig at binuhos 'to sa mukha niya. Gulat siya ng makita ako sa harap niya. "So, are you happy seeing me here, dear Alisa?" "Aubri, ikaw 'yong nagpakuha sa akin?" Pinagkrus ko ang braso ko at saka siya inirapan. Nakakainis 'yong pagmumukha niyang clueless. Gusto ko siyang ingudngod. "Well, ako nga." "B-bakit?" I rolled my eyes at saka madramang umupo sa dulo ng kama. Nakakainis ang isang 'to. "Kinukuha ko na ang sa akin naman talaga, Alisa." May diin kong sabi rito. "Aubri, wala na kayo ni Vernon, hindi ba? Ang sabi niya wala ng bisa ang kasal niyo." Napatayo ako sa galit sa narinig ko at inilang hakbang siya at pagkuwan ay sinampal siya. Nakita ko ang pagbakat ng kamay ko sa kanang pisngi niya. Sumakit ang palad ko sa pagsampal sa kaniya. "A-aubri, nangako si Vernon sa akin na papakasalan niya ako." Tumawa ako ng pagak. "Stop dreaming, Alisa!" "Buntis ako!" Halos matumba ako sa narinig ko. I wasn't expecting this one. I swallowed hard at galit na tinapunan siya ng tingin. I know she's aware of how I am angry at her, right now! Pinigilan kong hindi umiyak. At hinayaang mangilid lang ang luha. This is really a low blow for me! "I didn't sign the f*****g divorce papers, Alisa. Kasal parin kami at pumatol ka sa may asawa! You're a f*****g mistress!" I saw her reaction. Gulat at hindi mapakaniwala. Nailagay pa niya ang kamay sa bibig. Iniling niya ang ulo niya. "See? Isa kang malanding kabit!" She's now crying. Mariin akong pumikit at nginitian siya ng hilaw. "My husband, lied to you. Gusto ko lang sabihin sa iyo na magkasama na kami ulit at wala na siyang balak kang balikan!" Tumalikod na ako at pinigilan ang sarili na h'wag na siyang saktan. I'm a b***h but I am not that cruel. "P-pakawalan mo na ako dito, Aubri. Pinapangako kong hindi na kayo guguluhin, please..." Pumiyok pa ang boses niya. Nspaharap ako ng wala sa oras sa narinig ko at pinangsikitan siya ng mata. "No, Alisa! I am not stupid to do that. Mananatili ka rito hangga't gusto ko." "I'm sorry, Aubri. Hindi ko alam." Isang malamig na titig lang ang binigay ko at saka siya tinalikuran at lumabas ng kwartong 'yon. "Take me home." utos ko. Tahimik akong umiyak sa sasakyan. Ang mga tauhan ko'y inalok pa ako ng panyo pero tinanggihan ko lang. I am angry at Vernon! Napaka tanga at bobo niya! He's a f*****g son of a b***h! "Jeff, kalagan niyo na si Sir niyo." aniya at saka pumasok na sa mansyon. Nakasunod lang sila sa akin. Pagod ko siyang tinignan ng magtapo ang mata namin. Saglit kong nakita ang pagtataka sa mata niya ng mapagtanto ang nangyayari. "Leave us alone." nagsilabasan na ang iba ko pang tauhan. Hindi ko mapigilang umiyak. This is so much for me. Kumabit na nga siya. Inanakan pa niya. But I won't tell that to him. Walang makakaalam ng may anak siya kay Alisa. Sisiguraduhin kong hindi na sila magkikita pa at hindi niya malalaman na may anak siya sa kay Alisa! "Your dad isn't fine right now, Vernon. Bumalik kana sa inyo. Dad really needs you and the company needs you." Nakapamulsang sumandal siya sa isa sa cabinet. "Alam mong may ibang inaasiko sila Troy, Hell at Ten. At lalong hindi maasahan si Frost o ang iba pa." "Babalik ako, but f*****g sign the paper, Aubri." I shooked my head at nakipagtitigan sa kaniya. I won't f*****g sign that paper! Hindi ko hahayaan na magsama sila ng kabit niya. "Hindi mangyayari ang gusto mo." Tumayo ako pinalis ang luha. "Sa susunod na linggo ay susunduin tayo ni Ten dito. We're going back to Manila. Hindi mo naman siguro hahayaang lumala si Dad. Stop running away, Vernon!" Inilang hakbang niya ako. He's holding my both wrist. Mahigpit at masakit. Pero hindi ako nagpatinag. "Hindi ka ba matatapos sa pag gawa ng kwento, Aubri? Aren't you tired?" Kinuha ko ang pagkakataong 'yon para mahalikan siya. Pero inilayo niya ako at saka itinulak sa kama. "It's freaking true! Why not try to call your Mom! Hindi ako nagpakahirap na hanapin ka para lang gumawa ng kwento." Ibinigay ko sa kaniya ang cellphone ko at hinayaan siyang kausapin sa may terrace si Mommy. I am watching him talking to his Mom. Kunot ang noo at makasalubong ang kilay nito habang ang isang kamay ay nasa baywang niya. I missed him, sobra. He's not going anywhere. Sa akin siya babagsak! Hindi ko hahayaang makawala pa siya. Nag iwas ako ng tingin ng tumitig siya sa akin. Hindi ko kayang salubungin ang pares ng mata niya. Makikita niya lang kung gaano ako kabaliw para sa kaniya. Maghunos dili ka, Aubri! He gave me back my phone. "I'm hungry. Bababa ako pagtapos maligo." Para akong baliw na tumango tango sa kaniya. I immediately call Allen, 'yong madaldal na kasambahay para tulungan ako sa pagprepare ng makakain ni Vernon. "Naku, Madame, in fairness ho. Hindi na kayo mukhang mangangain ng tao ngayon! Masaya ata kayo." Aniya bago siya maglagay ng kubyertos at plato sa lamesa. Nakausong umiling ako. "Nakakatakot ba ako?" Taas kilay kong tanong rito. Nag peace sign pa si gaga bago tumangot at sumagot. "Slight lang, Madame. Pero alam ko namang mabait kayo at saka seksi at maganda pa!" Napangiti ako at pagkuwan ay napatawa. May toyo rin ang isang 'to. "Diba ho, Sir. Maganda si Madame?" Napatigil ako sa pagtawa ng lingunin si Vernon pero wala namang reaksyon galing sa kaniya. Kaya umirap ako ng wagas. Ito naman si Allen ay kinindatan lang ako at umalis na. Sa tapat niya ako naupo at pinagmasdan siya. "Bakit kasi hindi ka kumain kanina? Pinadalhan kita ng pagkain mo." Saglit siyang tumingin sa akin bago nagsandok ng ulam at kanin sa plato. Napaka sungit! Tahimik ko siyang pinanood kumain. Hindi ko maiwasang malungkot sa nalaman kong balita. Hindi ko naman siya balak igapos ng matagal sa silya na 'yon. Ang gusto ko talaga ay mahanap siya. Dad really needs him lalo na sa kompanya. Hindi rin maganda ang kondisyon ng Dad niya. Kaya gumawa ako ng paraan para lang mahanap siya. "Aubri." Napaayos ako ng upo. Natuwa sa pagtawag niya sa akin. "I'll go back to Manila, if Alisa's with me. Isasama ko siya." Bigla akong napatayo sa upuan ko. He can't do that! Paano niya nakakakayang sabihin sa harap ko 'yan? Hindi ba niya alam na nasasaktan ako? "You're so impossible, Vernon." Ngumisi siya sa akin. "And sign the f*****g paper." Sunod-sunod na iniling ko ang ulo ko. Hindi ko gagawin 'yan. Ayan ang hindi ko magagawa. "Hindi mo isasama ang kabit mo, Vernon! Hindi ka ba nahiya man lang sa ideya mo na 'yan?!" Nanliit ako no'ng pagtayo niya at halos hindi makapaniwala sa sunod na sinabi niya. "Mas nakakahiya na naging asawa kita, Aubri. Hinding-hindi ako mahihiya kapag si Alisa ang usapan." He turned his back at saka tuluyan ng nawala sa paningin ko. And now, I'm hurt and I can't believe I should actually heard that from him. Tulala parin ako. Narinig ko na lang sa mga tauhan ko na sumakay siya sa isa sa sasakyan at umalis. "Ma'am, nakaalis ho si Sir!" Gusto ko silang sigawan pero I have no energy to do that. Pagod kong tinignan ang mga tauhan. "Babalik lang din naman siya sa akin, kaya hayaan niyo siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD