Chapter 6

673 Words
Heather's POV After the incident between me and Dos sa ladies room ay mas naging masungit pa ito saakin na ikinatawa ko naman. Susungit-sungit pero kanina naman ay hindi napigilang gumanti ng halik. Nasa labas na kami ng bar and Gino insist na ihatid ako pauwi, gusto ko sanang si Dos ang maghatid saakin pero mula kanina ay hindi na niya ako ulit kinausap. Nasa loob na kami ng kotse ni Gino ng magtanong siya. "Saan kayo nagpunta ni Dos? Bat bigla ka niyang hinila?" Tanong niya saakin pero sa daan ang buong atensiyon niya. "She just ask me something." I simply answered. "Bat ang tagal niyo?" Tanong niya ulit. "Gino, where are you going with this questions?" Napipika ko nang tanong. "Do you like her?" Deritso niyang tanong saakin. "I do." Deritso ko ding sagot. Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela at ang pag tiim ng bagang niya. "I thought you're straight? Kaya nga ipinagsawalang bahala ko lang yung mga tingin mo kay Dos kanina." Sabi niya. "Look Gino, i don't have to explain myself to you." Niinis kong saak at nangalumbaba sa may bintana ng kotse niya. "Pano naman ako?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. "What about you?" Napataas ang kilay ko. "I thought we have something special." Sabi niya at saka itinigil ang sasakyan sa harap ng bahay namin. "Just because we've been going out together doesn't mean that there's something special about us. I see you as a friend, and it will stay that way." Sabi ko at agad ng bumaba ng kotse niya. Bigla din naman siyang sumibad paalis kaya napa buntong hininga nalang ako. Pagkapasok ko sa bahay ay si Katherine agad ang bumungad sa akin na prenting nakaupo. "What happened?" She excitedly asked at iminuwestra akong maupo sa tabi niya. "We kissed." Nakangiti kong balita sakanya at tumabi sa kanya agad naman siyang nagsisigaw at niyakap ako. "Im so happy for you, Heat. So, nakuha mo ba yung number niya?" Tanong niya. "Oh shot, nakalimutan ko." Napakagat labi akong tumingin sa kanya. "Si Gino naghatid sayo diba? Hindi mo man lang ba hiningi sa kanya? Sigurado may number ni Dos yun." "I just dumped him tingin mo ibibihay niya pa yun sakin, tsk." Nakakainis tuloy, dapat pala hiningi ko muna. "Akong bahala." Nakangisi niyang sabi and dialled on her phone. Maya maya pa ay may kausap na ito. "Hello, yes. Its Katherine. Uhm, pwede ko bang mahingi yung number ni Dos? Yes, yes. Okay." Nakangiti niyang ibinababa ang cellphone at maya pa'y tumunog iyon hudyat na may nagtext. Tumipa pa ito saglit sa cellphone na hawak at ang cellphone ko naman ang tumunog. Pagtingin ko sa text ay galing iyon sa kanya at numero ang laman ng mensahe. Nanlalaki ang matang napayakap ako sa kanya.  "Omg K, thank you, thank you. You're the best." Masayang masaya ko siyang niyakap.  "I'll get going now, its getting late. Galingan mo." Ngisi niya at humalik sa pisnge ko bago umalis.  Halos mapuit naman ang bibig ko sa sobrang lapad ng ngiti ko.  Dos POV Hindi ako dalawin ng antok dahil iniisip ko ang nangyari kanina sa ladies room. Tae, muntikan na yun. Pabaling-baling ako sa maliit kong kama at patingin-tingin sa oras mag aalas-dose na pero gising na gising padin ako. Pipilitin ko na sanang matulog ng magbiglang magbeep ang cellphone ko. Kinuha ko naman iyon agad at napakunot ang noo ko ng numero lang ang nagtext.  You're lips taste so sweet, it's addicting ;)  -Heather  Bigla akong napabangon pagkabasa sa text na yun. Saan niya nakuha ang number ko.  San mo nakuha ang number ko?  Sent. Wala pang isang minuto ay nagreply na siya agad.  Connections, babe :* "Babe?" Napataas pa ang kilay ko at muling nagtipa ng mensahe.  Wag mo nga akong ma-babe babe.  Sent.  Pati ba naman sa text masungit ka? But it's okay, i still like you. *wink Di ko napigilang mapangiti sa text niya may wink pa siyang nalalaman. "s**t, tumigil ka Dos. Hindi ka pwedeng magkagusto sa babaeng yun. Malayong-malayo kayo, di ka seseryosohin nun." Paalala ko sa sarili. Muling tumunog ang phone ko at binasa ko ang text ni Heather.  Goodnight, babe. :* "Napakakulit mong babae ka." Naiiling kong naisatinig at isinave ang number niya sa pangalang Heather kulit.  ZyyyRilll 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD