Chapter 7

613 Words
Dos POV "Goodmorning nay, tay. Asan si Bitoy?" Bungad ko sa kanila habang nag aagahan sila ng kape at pandesal.  Linggo kaya nasa bahay lang kami. Walang trabaho si itay, di naman nagttinda ng isda sa palengke si inay kapag linggo. Ako naman wala din akong raket sa pag waitress ngayon.  "Ayun ang aga aga ay tinawag na ng mga barkada." Sagot ni inay na humihigop ng kape.  "Kumain kana muna, anak." Aya naman ni itay. Kukuha na sana ako ng tasa ng biglang tumunong ang cellphone ko.  Heather kulit calling...  Naiikot ko nalang ang mga mata ko at tamad iyong sinagot.  "Goodmorning, babe" Malambing niya saad mula sa kabilang linya. She still have those bedroom voice kaya sigurado akong kakagising niya lang.  "Napatawag ka?" Kunyare'y walang gana kong tanong sa kanya.  "It's too early to be masungit, Dos." Nakikinita ko na ang inis niya ngayon, kaya naman napangiti ako.  "Eheeem!" Tikhim ni itay kaya naman napatingin ako sa kanila at kita ko ang nanunukso nilang mga tingin.  "Who's that?" Tanong nitong kausap ko na narinig din ata si itay.  "Bat ba napatawag ka?" Tanong ko ulit sa kanya.  "Can we go out?" Diretsa niyang tanong.  "Rest day ko pag linggo di ako lumalabas." Ani ko at iniipit sa pagitan ng balikat at tenga ko ang cellphone para makapagtimpla ng kape.  "I'll just visit you then." Sabi naman niya ulit. Napakakulit talaga.  "Heather, pwede ba. Mag aagahan na muna ako, babye na." Paalam ko at pinatay na ang tawag. Napakakulit.  "May dapat ba kaming malaman?" Nakangiti na tanong ni Inay.  "Nay, wala po. Kumain nalang po tayo." Naiiling kong sagot at kumaha na din ng pandesal para kumain.  "Heather pala huh." Ngisi ni itay na ikinatawa ko.  "Tay, mang-aalaska kana naman. Wag na ho nating pag-usapan. Wala lang magawa yun sa buhay niya." Ani ko para makaiwas na sa mga tanong nila. "Osiya sige. Pero kung magiging kayo man aba'y ipakilala mo naman saamin yan." Si itay talaga oh.  "Hindi ho magiging kami kasi hindi ko naman ho siya gusto tsaka masyado siyang mataas di ko siya maabot." Ani ko at ipinagpatuloy na ang pagkain.  Heather's POV Nakangiti akong lumabas ng kwarto dahil sa kasungitan na naman ni Dos.  "Ma'am may nagpapabigay po." Salubong ng isa naming katulong saakin habang papasok ako ng kusina.  "Kanino daw galing?" Tanong ko habang kinukuha iyon.  "Wala pong sinabi, ma'am. Ireready na ho ba namin yung breakfast niyo?" Magalang niyang tanong saakin.  "Yes po please, sa may garden nalang." I smiled at her binasa ang card na nakita ko.  I know you're straight and baka nagugulohan ka lang sa nararamdaman mo kay Dos. Can we go out tonight? I love you, Heat.  -Gino I just rolled my eyes and nalakad na papunta sa may garden nakaready na ang breakfast ko doon at nilalagyan nalang ako ng gatas sa baso ng isang katulong.  "Here, it's for you." Nakangiti kong abot sa kanya ng bouquet na galing kay Gino.  "Ho ma'am,perooo---"  "Sayo na yan." Iniabot ko ulit iyon sa kanya kaya naman ay wala na siyang ibang choice kundi tanggapin iyon.  "Salamat po ma'am." She smiled at iniwan na ako para magagahan.  It's always like this, palagi akong mag isa kumain. My parents are always busy with their businesses, si dad may sariling airlines and hotels sa New York at iba pang bansa na hindi niya maiwan-iwan, habang si mom naman ay pinagtutuunan ng pansin ang mga restaurants na matagal na niyang pangarap. Kaya palagi akong mag isa, mga yaya o kaya naman mga guards ang kasama. Habang kumakain ay naisipin kong nag picture at isend iyon kay Dos. Napangisi pa ako ng may kalokohan na naman ako maisip, hinubad ko ang silk robe ko leaving only my silk nighties at saka ulit nag picture at isenend iyon sa kanya.  Natatawa nalang ako sa mga pinaggagagawa ko. Hayy naku Dos, kapag talaga hindi mo pa ako nagustohan.  ZyyyRilll 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD