Dos POV Busy ako sa pagkuha ng order ng mga costumer sa pinagtatrabahoan kong restaurant ng mula sa likod ay may biglang yumakap saakin. "Hi babe." Bulong niya na ikinalingon ko. Napalunok pa ako ng gahibla nalang ay maglalapat na ang mga labi namin. "Heather, anong ginagawa mo dito? Tsaka bitiwan mo nga ako nagtatrabaho ako." Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero lalo lang humihigpit ang pagkakayakap niya. "My table is beside the window, gusto kong ikaw ang kumuha ng order ko, okay?" Malambing niyang saad as she pecked on my lips na ikinatanga ko naman. Agad na siyang bumitaw at bumalik sa table niya. May kasama pala siyang dalawa pang naggagandahan ding babae, maliban kay Katherine na kilala ko na. "Ang swerte mo naman 'tol. Ang ganda nun ah." Puri nung lalaking kinuhanan ko ng

