Dos POV Dalawang taon pero wala pading ipinagbago ang nararamdaman ko para kay Heather. Kahit wala na siya ay siya parin ang may hawak ng puso ko. Kahit papano ay nakakagaan-gaan nadin kami sa buhay, nakapagpatayo na ako ng bahay para saamin ng pamilya ko at nakabili na din ng sasakyan. Nabalik ako sa kasalukuyan ng kurotin ako ni Marie sa braso. "Aray, bat ka nangungurot?" Tanong ko sa kanya at hinimas ang parte ng braso kong kinurot niya. Nasa supermarket kami at nasa stall ng mga gatas. Hindi ko akalain na magkakatuloyan sila ni Joven at ngayon nga ay may anak na sila. Nagpasama lang siya saakin para naman daw makatipid siya sa pamasahe. "Para ka kasing baliw, kanina pa ako dada ng dada dito pero naglalakbay naman pala sa ibang dimension yang utak mo." Irap niya saakin at inilagay a

