Dos POV Nasa reception kami ng kasal ni Johann. At parang naging reunion na din namin ng mga katrabaho ko noon sa restaurant na pinagtrabahoan ko. Ang table lang ata namin ang maingay at magulo dahil sa asaran, nakaka-out of place nga dahil halos lahat sila ay may kasamang asawa ko kaya naman ay nobyo o nobya. "Ikaw naman, Dos. Kelan mo ba balak mag-asawa?" Tanong ni Mark na ikinatingin nilang lahat saakin. Napakamot naman ako sa batok at inayos ang suot kong barong. "Wala pa yan sa isip ko." Safe ko namang sagot. "Sus, hindi ka lang makamove-on doon kay Ms. Heather eh. Sino nga ba naman kasing makakamove on sa ganon kaganda at kasexy." Tawa naman ni Joven na ikinatawa ko nakatanggap pa siya ng kurot sa asawa niyang si Marie. Napailing naman ako at nagpasyang lumabas muna para magpaha

