Abala ako ngayon sa paggawa ng mga school works. Ngayong biyernes ko na sinimulan para wala na akong isipin na gagawin sa sabado at linggo. Tapos na rin ang trabaho ko kanina, hindi ako nasundo ni Ethan dahil nagyaya daw mag-bar si Kurt. nagpaalam siya kanina sa 'kin, kung pwede daw ba. Syempre pinayagan ko siya dahil minsan lang naman 'yon at malaki ang tiwala ko sa kaniya. Alam kong nagbago na siya. Pagkatapos kong gawin lahat ng school works ko ay napagdesisyunan kong mag-shower dahil pakiramdam ko ang bigat-bigat ng katawan ko. Paglabas ko ng cr, ay saktong nag-ring ang cellphone ko. Dali-dali naman akong pumunta doon sa study table at kinuha ang phone ko. Tiningnan kung sino ang caller at nang makita kong si Ethan 'yon ay agad ko ding sinagot. "Hello, Ethanol," agad na bungad ko sa

