Pagmulat ng mata ko ay sumalubong sa 'kin ang gwapong mukha ng taong mahal na mahal ko. Si Ethan. Nagising ako dahil sa nararamdaman kong pinaghalong lagkit at sakit lalo na sa isang parte, down there. I remember what happened last night, clearly. Kahit pa nakainom ako ng kaunti. Pinakiramdaman ko ang sarili ko habang nakatitig sa maamo niyang mukha. Habang pinagmamasdan ko ang mukha nito ay tinanong ko ang sarili ko. Pinagsisihan ko ba na binigay ko sa kanya ang una ko? Pero wala akong naramdamang ganon kahit kaunti, sa halip nga ay masaya ako dahil alam kong sa tamang tao ko 'yon binigay at sa taong mahal ko pa. 'No regrets.' Kahit iika-ika, ay pinilit ko ang sarili kong maglakad patungo sa banyo habang nakabalot ng manipis na kumot, dahil hindi ko na kayang tiisin pa ang lagkit na

