Ilang beses kong sinubukan kong tawagan si Ethan, pero kahit isang beses ay hindi siya sumagot sa mga tawag ko. Lalo tuloy nadagdagan ang takot at paghihinalang nararamdaman ko, bawat minutong dumadaan. Kahit maraming bumabagabag sa 'kin, ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na bumalik sa pagtatrabaho, dahil doon nakasalalay ang pag-aaral ko. Pagkatapos ng shift ko ay muli kong sinubukang tawagan si Ethan at para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng sa wakas ay sinagot niya na ang tawag ko. "Hello, Ethan," nasasabik na sabi ko, pero ibang boses ang sumagot sa akin. ["Hii, who's this? Yung number mo kasi hindi naka-save sa cellphone n'ya,"] Maarteng sabi nung nasa kabilang linya, pamilyar ang boses n'ya. Tapos, ano daw? Yung number ko hindi naka save sa cellphone ni Ethan? At bakit

