"Bye, Mom!" masiglang sigaw ni Tan habang kumakaway papalayo, papasok ng school. Kumaway ako pabalik bago nagpasyang bumalik na ng kotse. Nang makapasok ay agad kong pinaandar ang kotse patungong kompanya. Nagmamadali akong pumasok sa entrance at tinungo na ang elevator. Baka matanggal pa ako kapag na-late ako sa trabaho 'no! Five minutes na lang at male-late na ako. Nang bumukas na ang elevator ay dali-dali kong tinungo ang opisina ni Sir Ethan at kinuha ang mga papeles na nasa desk ko para tingnan ang mga schedule niya. Sakto namang bumukas ang pintuan pagkaupo ko at iniluwa noon si Etha-- si Sir Ethan. "G-good morning, Sir," bati ko sa kaniya at hindi ipinakita ang pagkailang. Gaga, Addi! Umayos ka! Tumango lang ito sa akin at umupo na sa desk niya. Binuksan niya ang laptop niya ba

