Sana naman matanggap na ako dito sa kompanyang 'to. Ilang kompanya na rin ang na-applyan ko, pero ni isa hindi ako tinanggap, makita pa lang nila ang resume ko na hindi ako nakatapos ng college. Susunduin ko pa si Tan mamayang alas kwatro ng hapon sa school n'ya. Kaya last na kompanya na 'to, bukas naman ulit ako susubok kung hindi ako matanggap dito. "Miss, Havier," tawag sakin ng babaeng nag-aasikaso ng mga applicanties. Agad ko naman tinaas ang kamay ko. "Please be ready, next ka na po," she said politely to me, tumango naman ako. Paglabas ng babae ay nakita kong parang naiiyak pa ito. Siguradong hindi siya natanggap. Ang CEO kasi ng V INC, ang mismong pipili ng personal secretary n'ya. Balita ko ang V INC ay sobrang sikat sa loob at labas ng bansa, nage-export sila ng iba't ibang p

