bc

BITUIN SA KALANGITAN

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
time-travel
second chance
friends to lovers
humorous
first love
friendship
secrets
self discover
school
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

“Barumbado,babaero at basagulero,ganyan nalamang ang aking naririnig sa tuwing lalabas ng aming tahanan.Nasanay na ako, wala namang bago! Mahirap husgahan ngunit nakasanayan ko nang tropa palagi ang sandiga't kasama.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1 "BITUING WALANG NINGNING"
BITUIN SA KALANGITAN KABANATA 1 "BITUING WALANG NINGNING" SULAT NI: MARY RUNELLA GANE ANTONIO (DJRUNE_OFFICIAL) “Barumbado,babaero at basagulero,ganyan nalamang ang aking naririnig sa tuwing lalabas ng aming tahanan.Nasanay na ako, wala namang bago! Mahirap husgahan ngunit nakasanayan ko nang tropa palagi ang sandiga't kasama.Babae? Madali lamang silang palitan! Madaling makuha at mas lalong madaling pag-laruan!” “Pare, sobrang sakit!” Bulalas ni Lucas sa tropa. Habang pumapatak ang mga luha, kasabay ng pag-suntok nito sa pader. “Sabi ko’ naman sayo iiwan ka lang niyan, hindi ako nagkamali diba?” Sambit ni Erwin. Minahal ni Lucas ng sobra si Alisa, kaya ganun na lamang ang hinagpis nito nuong malaman na wala na si Alisa sa tinitirhan nito, at tuluyan na siyang iniwan ng dalaga ng walang paalam. “Marami pang Iba diyan! Tara,iinom mo nalang yan!” Sambit naman ni Mateo, habang iniaabot nito ang maliit na tagay ng alak kay Lucas, pasimple namang itinapon ito ng binata sa tabing bintana banda sa kaniyang likuran. Patuloy ang nakagawian ni Lucas, barkada palagi ang nauuna, nagmamadaling araw kung umuwi, minsan pa nga'y uuwi na lamang upang kumuha ng damit at makakain. Sobrang naapektuhan siya sa biglaang pag-alis ni Alisa, kung kaya't lahat ng dalaga'ng makasalamuha ng binata ay itinatrato na lamang na isang laruan. Sa lugar kung saan abala ang mga estudyante sa pag-babasa at pagsusulat ay bigla namang pag-pasok ng binatang si Lucas na may hatid na malakas na tinig “Magandang umaga Binibini!” “Luccaasssss......!” Sigaw ni Binibining Rosal habang papalapit at galit na galit sa binata. Nahuli ka nanaman sa aking klase, kailan ka ba mag-titino bata ka? “Go to my office now!” “Binibini napakaganda niyo po ngayong araw!”may kasamang ngiti sa mga labi.Sambit ng bulerong si Lucas. “Huwag mo'ng ilihis ang usapan Ginoo, at hindi mo ako madadala sa kapilyohan mo! Maka-ilambeses kana ding huli sa aking klase, kadalasan ay hindi ka pa pumapasok, at kahapon nama'y may dinuraan ka nanaman daw sa ulo! Nakatitiyak ako na ikaw nanaman ang may kagagawan nito Iho!” “Binibini hindi lamang isa ang may sala kun'di kaming lahat! Hindi mo maaaring ibigay ang kaparusahan sa akin lamang. Kasalanan ng isa kasalanan ng lahat!.” Mariin na reklamo ni Lucas sa guro. “Kailangan malaman ng iyong mga magulangang iyong kalokohan dito sa paaralan!Hindi ko na kaya ang iyong kabastusan!” Matapos ang sermon ng guro ay nag tawanan ang kaniyang mga kamag-aral. Nabaling ang kaniyang pansin kay Rene may pusong babae “Humanda ka sa akin mamaya!” isang pag-babanta at senyas ni Lucas sa kamag-aral nang naging dahilan upang mas lalong mag-init ang ulo nito at lalo pang ganahan gumawa ng kalokohan. Oras ng pahinga maingay ang paligid, siksikan nanaman sa kantina mahaba ang pila“Manang pabili nga ho ng softdrinks!” pagsingit ni Lucas sa estudyanteng nasa unahan niya at akma sanang bibili. “Iho pumila ka madaming nauna sa iyo” paliwanag ng tindera “Ayos lamang yan manang!” pagmamalaki naman ng binata “Nandito na ako sa unahan paaalisin niyo pa ba ako?” walang nagawa ang tindera kundi pagbilhan si Lucas sa kadahilanang magdudulot lamang ito ng mabagal na proseso sa kantina kung 'di niya pagbibigyan ang pilyong si Lucas“Ano pa nga ba? heto sa susunod hindi ko na pahihintulutan iyan!” sabay abot ni Aling Merna kay Lucas ng binili nito. Habang lasap ni Lucas ang sarap at bawat pagdaloy ng inumin sa kaniyang lalamunan, kakabit naman nito ang isang nakakakilabot na haplos sa kaniyang hita. Pagkaraang lingunin niya ito ay bigla na lamang niyang na-ibuga ang laman ng kaniyang bunganga. “Aaaahhhhhhh...... Aaaahhhhh....” malakas na tili ni Rene. ”Walang hiya kang bakla ka! hindi pa ako tapos sayo!” Mabilis ang kabisa ng utak ng binata kung kaya't mayroon nanaman siyang lapya upang gantihan ang kaniyang kamag-aral. “Mateo, Erwin! hali kayo dito!” pag-aya ni Lucas sa dalawang kaibigan. Hawak ang bote ng softdrinks na kaniyang ininuman kamakailan lang. “Mga pare hindi ko na kasi mapigilan ang ang aking manubig, gusto niyo din bang subukan? dito na lamang natin sa bote ilabas?” may pilyong ngiti. “Aba! ayos yan pare ahh!” sagot naman ni Erwin. Itinuloy ng mag-babarkada ang planong iyon ni Lucas. “Reneeeee, reneeeee” malambing na boses ni Lucas papalapit sa kamag-aral. “Pasensya ka na nga pala kanina, nakakagulat din kasi” paumanhin ni Lucas. “Anuuu baaa... wala iyon” tugon naman ni Rene. “'Heto uminom ka muna sabay abot ng bote ng softdrinks” walang atubili ay agad naman itong ininom ni Rene. Sumabog ang nakakasulasok na baho galing sa bunganga ni Rene matapos nitong ibuga ang inumin. “Aaahhhhh.... ahhhhhh” nangingilid ang mga luha nito habang nag-susuka. Nag-silabasan ang kanilang mga kamag-aral matapos marinig ang malakas na tili ng pusong babae'ng si Rene. “Ang panghi!”Bulungan namanng mga ito. Matapos ang kalokohan ng binata, matulin itong tumakbo at tumungo sa maliit na sulok gawi sa madilim na daan hanggang sa kaniyang nasilayan isang balawang kasabay ang sinag ng araw sa hilaga na tumama sa kaniyang mala-anghel na mata. Nakagawian nang binata ang pagliban sa klase tuwing napagagalitan ng guro at nakagagawa ng kasalanan. “Magnanakaw... magnanakaw.....”Sigaw ng isang bata na lalaki. “Ibalik mo ang aking panyo!” hanggang sa hindi na nito masilayan ang anino ng binata dahil sa bilis nitong tumakbo. "Puro ka nalang kalokohan! Anak maawa ka naman sana sa amin ng iyong ama! Kumakayod kami at nag-papakahirap mapunan lamang ang inyong pag-aaral! Nabalitaan namin ng iyong ama na hindi ka daw pumapasok sa paaralan! At kung anu-anong kalokohan nanaman ang iyong pinag-gagagawa totoo ba iyon?Saan ka naman pumupunta? Barkada nanaman ba ang iyong kasama" "Wala kayong pakialam at wala kayong magagawa!Huwag niyo akong sinisisi sapagkat mula noong lumiban ka patungo'ng ibang bansa ng walang pasabi, imbis na kaming mga totoo mong anak ang iyong kinakalinga, mas pinili mo pading alagaan ang hindi mo kadugo! Habang natitiis mong walang ina'ng nag-aaruga sa iyo’ng mga anak!Wala kang kwenta!" Malutong na sampal ang dumampi sa mukha ng binata kasunod ang malakas na suntok sa sikmura nito na dahilan upang sumuka si Lucas ng dugo. "Huwag na huwag mong sinasagot ang iyong ina! Anak lamang kita! At wala kang karapatan upang bastusin kami ng isang hamak natulad mo! Kundi’ dahil sa amin ng iyong ina hindi ka mabubuhay sa mundong ito, sana hindi nalamang kita naging anak! " Umagang-umaga,bulyawan ka agad ang almusal ng pamilya.Habang pinag-uusapan ng mga makakati ang dila. "Babaero, basagulero walang dulot sa lipunan!." "Tama!Madaling araw pa madalas kung umuwi ng bahay, barkada nalang palagi ang kasama niyan!" bulungan ng mga kapit-bahay nito. "Sa lalong madaling panahon luluwas tayo ng probinsya!" doon kana maninirahan! nang matuto ka sa buhay at maranasan mo din ang hirap ng buhay!" sambit ng kaniyang ama. Walang nagawa ang binata kundi umalis ng bahay ng walang pasintabi sa kaniyang mga magulang"Aba! Bastos ito ahh," nanginginig sa galit ang kaniyang ama. Ilang gabi din hindi umuwi si Lucas sa kanilang tahanan bitbit ang sama ng loob ay ibinuhos muli ng binata ang hinanakit nito. “'Lahat ng aking kilos kanilang napupuna, Alam ko marahil na hindi sapat ang dahilan upang hindi ko galangin ang aking mga magulang. Ngunit mas hinanap din siguro ng isang anak na tulad ko ay maranasan ang pagmamahal, pag-aalaga, pagkakaroon ng inspirasyon sa lahat ng bagay. Marahil hindi ko din kinaya ang paglipad ng aking ina sa ibang bansa, noong sasabitan sana ako ng medalya ngunit ni isa sa kanila ay walang dumalo, noong kinakailangan naming mag-dala ng magulang sa tuwing may aktibidad sa paaralan. Napaka swerte ng aking mga kamag-aral, kung minsan ay dinadapuan ako ng inggit. Ngunit hindi ko na nais pang pagtuunan iyon sapagkat binago nila ang isang Lucas, isang matikas, walang inuurungan! Hindi ko na hahayaan pang iwan akong muli ng mga babae. Nararapat lamang maranasan nila ang pakiramdam ng iniiwan!” Sa labas makapal ang hamog, malilim at tamang-tama lamang ang lamig upang mapasarap ang usapan ng mag-babarkada sa kanto kung saan paborito nilang mag-palipas ng oras. “Pare ang ganda, balingkinitan ang katawan mukhang pwede ng pagtiyagaan!” Pangunguna ni Erwin. “Ibalato niyo na sa akin yan mga repa” sagot naman ni Lucas. “Wittwiiwwww….. Kamusta binibini mas maganda ka pa sa gabi” Hirit ni Lucas sa dalagang naglalakad sa kanilang harapan. Napahinto ang dalaga. “Ano ang iyong kailanganat bakit mo ako sinusundan?” “Maaari bang makipagkilala? Lucas nga pala” sabay kindat sa dalaga. “Abi, ikinagagalak kong makilala ka” Walang atubili ay dali-dali namang kinuha ng binata ang numero ng telepono ng dalaga, hanggang sa di katagalan ay madali na lamang naging kasintahan ni Lucas si Abi. Di bakas sa binata ang pagseseryoso sa pag-ibig sa edad na labing tatlo ay nagsimula na siyang mag-laro ng puso ng mga dilag. “Pare sabi ko naman sa inyo e, ibalato niyo na sa akin, hindi ba napakabilis bumigay?” pag mamalaki ni Lucas sa mga barkada. “Pare kapag nag-sawa kana ay ibigay mo nalang sa amin yan ahh?” pakikipag kasundo naman ni Erwin. Parang bola na lamang na pinagpapasa-pasahan ang mga dalagang nakukuha ni Lucas, sa tuwing nag-sasawa siya ay inerereto na lamang sa mga kaibigan, mahilig din pag-kaperahan ang mga ito, puro pambobola sa simula, kapag natapos ng pakinabangan ay iiwan na lamang ang mga ito na parang bula. Maingay sa eskinita madaming tao halos mawalan na ng daanan dahil sa mga nag-lalaro sa kanto, karamihan ay hindi pa nakapagsuklay ng buhok, may mga napa-daan lamang at pinabibili ng suka sa tindahan ngunit hindi na nakabalik dahil sa panonood sa mga ito “Sa 'B' Binubola ka na nga, Asadong-asado ka pa bibitawan ka lang pala, Sais” hugot ng nag tatawag ng mga numero. “Ang aga-aga naman ang iingay” reklamo naman ng kalalabas pa lamang ng bahay na si Lucas. Nakapustura ang binata at mukhang may lakad nanaman. “Kuya Lucas saan ka po pupunta?” tanong naman ng kaniyang naka-babatang kapatid. Matigas man ang puso ng binata ay kusa naman itong lumalambot sa bunsong kapatid sapagkat siya ang nag-alaga rito simula ng ito'y isinilang ng kaniyang ina. Mga ilang linggo ding iyon ay ang pag-alis ng kaniyang ina patungong ibang bansa, siya ang naging ama at ina ng mga kapatid sapagkat abala rin noong mga panahong iyon ang kaniyang ama sa pamamasada ng taxi.“Diyan lamang bunso, huwag kang mag-papasaway a? nagluto na ako ng iyong makakain naroon at tinakpan ko sa lamesa” Patuloy ang binata sa paglalakad patungo sa tambayan ng barkada. “Ano boss? kamusta? madami-dami na din ho bang bago?” “Ohh,kamusta bata? mukhang naka porma tayo ngayon ahh? saan ang gawi mo? Oo madaming baguhan, madami ding napapasagot ng sarap” “May lakad lang boss, may ipapadel pa ba ako diyan?” “Pumasok ka sandali at meron pa dito, pero tandaan kaming mga boss mo lang ang pwedeng mag-pasagot ng sarap” “Oo naman boss, kahit kailan hindi ko kayo pangungunahan” “Yan ang gusto ko sayo bata masunurin ka!” Upang maging malakas sa mata ng kanilang pinuno naging masunurin si Lucas sa lahat ng pinagagawa ng mga ito sa kaniya. Lahat ng matatapang at may lakas ng loob ay dumaan sa proseso upang mapabilang sa samahan. “Hirap o sarap?” pasigaw na tanong sa mga baguhan pa lamang. “Hirapppp.....” habang nakapiring ang mga baguhan mayroon silang karapatang mamili kung alin ang nais nila. “Aaahhhhhhh....... tama naaa.....” magkasunod na mabibigat na hampas ng kahoy gawi sa likuran ng tuhod ang dumampi at paulit-ulit na palo hanggang sa malumpo at wala ng lakas ang mga baguhan. Ganyan na lamang ang sinasapit ng may malalakas ang loob at inaapi sa labas na inudyok upang mapabilang sa grupo at magkaroon ng makakapitan at upang masabihang sikat pag-dating sa labas. “Hirap o sarap?” “Hirrraaapppp....” sagot ng isang dalaga'ng sumali sa pangkat, paulit-ulit ang hampas rito. Habang si Lucas ay nakabantay sa mga naka-linyang baguhan ay pasimple naman nito'ng binulungan ang mga dalaga. “Kung ako sa inyo sarap na ang inyong isagot kung ayaw niyo nang mahirapan! dahil hindi kayo titigilan ng aming pinuno hangga't hindi kayo napapasagot ng sarap!” Ang sumunod na dalagita ay sinunod naman ang payo ng binata, “Boss ito na ohh...” “Magaling ka talaga bata!” dinala sa madilim na kwarto ang dalaga at doon nag-simula ang iyak at ang ungol nito “Aaaaaahhhh, Aaahhhhh, Aaahhhhh.” Liblib ang lugar kung kaya't walang nakakaalam ng ganoong sistema nag-pakasaya ang kanilang pinuno dahil sa mga baguhang bumigay.“Bata, timbrehan mo lamang kami kapag mayroong umagrabyado sa iyo, ako na ang bahala doon” Matapos ang usapan ay nabaling ang tingin ni Lucas sa kaniyang relo, magpapasado alas otso na ng gabi noong sila ay natapos, nakaligtaan ng binata na mayroon siyang kikitain, si Abi ang dalagang kamakailan lamang niyang nakilala at naging kasintahan, iyon ang araw na ipag-diriwang sana nila ng isang buwan kung kailan nila nakilala ang isa't-isa. Pinuntahan ng binata ang dalaga sa perya kasama nito sina Erwin at Mateo kahit pa inabutan na sila ng sama ng panahon. “'Sayang yung libre pare! samahan niyo na ako.” aya ni Lucas kanila Erwin at Mateo. Walang kahit anong dala ang binata, hindi din hilig ang mag-abala pagdating sa mga babae, ni singkong duling ay hindi siya nag-aaksaya, sanay siyang ang babae ang nagbibigay sa kaniya. “Huli ka nanaman! sino ba talaga ang mahalaga sayo? barkada nanaman e wala namang mga kwenta yan eh?” Imbis na ngiti ang sumalubong sa binata ay ganun na lamang ang bungad sa kaniya, dahil sa hindi iyon na gustuhan ng binata ay bigla na lamang hinila ni Lucas ang buhok ni Abi, pinagbuhatan ng kamay nang hindi ito nakuntento ay sinundan pa ng malakas na tadyak sa likuran dahilan ng pagkatumba ng dalaga basa ang kaniyang damit dahil na din sa biglaang pag-buhos ng malakas na ulan. “Wala kang kwenta! wala kang karapatang insultuhin ang aking mga kaibigan, tingin mo ba seseryosohin ko ang isang tulad mo? para lang malaman mo madali ka lamang makuha, at madali lang din akong makakahanap ng pamalit sayo!”Tumutulo ang luha ng dalaga.“Akala ko ba totoo lahat ng sinabi mo? akala ko ba mahal mo ako?”“Akala mo lang iyon, dahil kahit kailan wala akong balak na ipag-palit ang aking barkada, kayong mga babae? Pang-display lamang kayo! pero wala kayong halaga!”.Walang interes ang binata sa mga ito kundi magkaroon lamang ng maipag-mamayabang sa barkada, maging sikat lamang sa grupo at mas lumakas pa sa paningin ng kanilang pinuno. Makalipas ang ilang araw ay lumuwas na si Lucas ng probinsya upang doon na ipag-patuloy ang pag-aaral kasama ng kaniyang mga nakababatang kapatid. Habang ang kaniya namang ina ay muling umalis at ipinag-patuloy ang pangingibang-bansa, na-iwan din ang kaniyang ama sa Maynila upang mag-hanap buhay. Gumigising ang binata taliwas sa oras ng kaniyang pagbangon noong nasa Maynila pa lamang, sapagkat hindi pa sumisikat ang araw ay kinakailangan na niya'ng mag-asikaso upang pakainin ang mga alagang baboy ng kaniyang Inang. Maging ang pag-aasikaso ng binata sa kaniya’ng mga kapatid ay hindi naging madali sapagkat bago pa man siya makapasok sa iskwelahan ay kinakailangan pa niyang paliguan at pakainin sina Denver at Lenard. Kung sa Maynila ay madali siyang nakahanap ng kaibigan at mas nangunguna sa kalokohan ay taliwas naman ito sa karanasan niya sa bagong paaralan. Madalas siyang tampulan ng tukso, naka-tsinelas lamang tuwing pumapasok sa paaralan, butas ang pambaba'ng uniporme, malayo ang iskwelahan sa kanilang tinutuluyan. Madalas ding napapaaway si Lucas sa mga kamag-aral, dala-dala padin ang kasigaan ng binata ay hindi siya nag-patalo sa pakikipagbasag ng ulo. Hanggang sa unti-unti na din silang nauubusan ng suplay ng pagkain, naranasan din niyang magtanim ng palay sa initan, namayat na din maging ang mga alagang baboy.“Inang, suko na ako hindi ko na kaya'ng manirahan dito.!” umiiyak na sambit ng binata.“Iho, palagi mong tatandaan na ang lahat ng bagay ay may hangganan, mahirap sa simula mapagdadaanan mo ang mga proseso, hindi madali ngunit kung nais mo'ng matuto at makamit ang isang mithiin handa ka dapat sumugal at mag-sakripisyo dahil ang bagay na pinag-hihirapan ay ang pinakamasarap na ani sa lahat”.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
18.7K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.9K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook