RHEO Matapos mag-usap sina Lein at Carlos ay nakita kong nagtuloy si Lein sa library. Sinundan ko siya roon. Gusto kong malaman kung anong pinag-usapan nila ni Carlos. Kahit na may idea na ako. Gusto ko pa ring marinig iyon mula mismo sa kanya. Baka na brainwash na ito. Si Carlos pa naman ang tipo na 'pag may kursunada ay hindi nito tatantanan hangga't hindi pumapayag. I'm just concern about kay Lein. Ewan ko nga ba kung bakit. Basta ayoko siyang ma-involve sa grupo ng mga iyon. Ayaw ko siyang makitang matulad sa iba na hindi na nakaalis sa grupo once na sumali roon. Sunod-sunuran ang magiging papel nito at kahit gustohin man niyang tumiwalag katakot-takot muna ang mararanasan bago tuluyang pakawalan. Either pagti-tripan o 'di kaya pagbabantaan or worst buhay na ang kapalit. Gano'n katin

