MAKALIPAS ang tatlong araw ay nagimbal ang mundo ni Princess nang matagpuan na ang katawan ni Miyuki na wala ng buhay. Hindi niya akalain na ganoon ang kahihinatnan ng kaibigan habang si Anthony naman ay nakaratay pa rin sa ospital. Punong-puno ng benda ang buong katawan at may cast din sa kanang paa nito na ang sabi ng mga doktor ay posibleng maging dahilan ng pagkabaldado nito. Nang mga panahon na iyon ay naguguluhan si Princess. Hindi niya alam kung nais pa ba niyang magising si Anthony o hindi na. Parang nais na lang niya na nakahiga lang ito sa hospital bed nito ng walang problemang iniisip dahil tahimik at kalmado lang ito kasi kapag nagising ito sigurado siyang magiging miserable ang buhay nito. Bukod sa baldado ito ay pumanaw na rin ang nobya nito. Kung siya ang nasa kalagayan nit

