“KUMUSTA ho kayo, Dad?” tanong ni Princess sa kaniyang ama na nakahilata pa rin sa kama nito. “I think I’m getting old,” anito na mabilis niyang kinailing. “Dad, you’re not that old.” Iyon ang isa sa ipinagtataka niya. Matagal niyang nakasama ang kaniyang ama pero ni minsan hindi niya ito nakitang nagkasakit ng malala katulad ngayon. He’s getting weaker. Hindi naman siya pumapalya sa pagpapaalala sa private nurse nito sa pagpapainom dito ng gamot sa tamang oras. “H-huwag ka ng mag-alala sa akin. Gagaling din ako. Kumusta nga pala kayo ni Anthony? Was he treating you nice?” pag-iiba nito ng usapan. “Yeah! He’s the same,” aniya kahit ang totoo ay kabaliktaran iyon ng substitute nito. “Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa kaniya. Kahit noon pa man noong hindi mo pa nakikilala si Wi

