"Where's Kazhius?" Malamig ang pagkakabanggit ni Victoria sa katanungang 'yon. "Why are you here?" Mapait ang bawat salitang 'yon para sa kaniya.
"Hindi mo ba ako namiss?"
She looked at him and laughed sarcastically. "You've been losing your sanity while you were with him? You're just a nobody for me now, Tim"
"Ang sakit noon,ha. Ikaw pa naman ang first love ko"
"Oh,cut the crap. Where's Kazhius? Sandali lang ako nawala, ikaw na ang nandito. Until when are you going to do that, maglalaho ang isa pag nandiyan ang isa"
"Don't tell me, nahuhulog ka na kay Kazhius?"
She looked at him with her straight face. "¿Quieres morir ahora mismo?" [You want to die right now?]
He motioned her to chill with his hand in front of him as a shield. "I am in charge to look after you. Kazhius is on another mission—"
"That was assigned by my father?" She finished his sentence. "Sino ba talaga ang nagbigay buhay sa inyo?" Mapakla niyang kastigo dito ngunit hindi natinag sa ganoon ang lalaki.
Nanatili ang pagiging masigla nito. "Aminin mo nang miss mo'ko kaya nagsusungit ka ngayon" he said, diverting the topic even more.
"Oh, fck you, Tim"
"Let's go. Saan ba? Sa room mo o sa room ko?"
She massages her temple. Iniwan nalang niyang mag-isa ang lalaki doon. Wala siyang oras para pag-aksayahan pa ng kaniyang atensyon ang binata. Bumalik lang naman ito upang tingnan ang kalagayan niya at magreport sa kaniyang ama pagkatapos.
Mas may mahalagang plano pa siya para sa susunod na araw.
Nagtungo siya sa kaniyang banyo upang maligo. Nag-ayos siya at nagpalit ng kaniyang red fitted dress na tinernuhan niya ng kaniyang red stiletto. Naroon at hindi mahuhuli ang kaniyang pulang lipstick. Kinuha niya ang kaniyang pouch at lumabas na doon. She found Timothy still on the living room while on his eyes stayed on the TV.
There's a new news about that incident but it wasn't her this time. The last time is about Zackarhus' mother and this another news about mysterious killing wasn't her fault. Kita niya dalawang marka sa leeg ng biktima at ang palibot noon ay may nagkukulay purple na.
"Is that his new mission?" Si Kazhius ang kaniyang tinutukoy. She stood there. Sumandal pa siya sa haligi na naroon at napagpasyahang manatili muna.
Ito ang pangatlong biktima sa buwang 'yon. Hindi kasama ang nagawa niya sa ina ni Zack. Ang alam niya ay hindi pinahihintulutan ng kaniyang ama ang ganoong klaseng pagpatay kundi mananagot ang mga ito sa Hari, which is her father. Ang rule ay rule at kung sino man ang lumabag ay kamatayan ang parusa.
It was different on her part having the privileges to kill anyone she wants. Hindi biro ang paglabag niya noon na pinahintulutan ng kaniyang ama upang magtanda siya sa nagawa niyang pagtitiwala. Hindi niya noon maintindihan kung bakit siya pinayagan ng ama samantalang may rule sila at isa din 'yon sa ipinagtataka niya. She experienced those days how her father hates human pero bakit nagpatupad ito ng ganoong rule? Bakit kahit may malaking galit ito sa mga tao, ayaw parin nitong pumatay ng tao ang mga bampira?
Hindi pa makasasagot si Timothy nang magbomba na siya ng sunod-sunod na tanong. "At bakit siya pa? What are you doing here instead of taking his place? Diba, doon ka naman magaling? Ang lumayo at gawing paraan ang mga misyong ibinibigay sa'yo ng lalaking 'yon para mawala sa paningin ko? Para tumakas?"
"Victoria" and at that moment, she heard his sweet voice again calling her name.
"Don't...bring him back here. I prefer Kazhius now with my side instead of a fool like you" ngumisi siya dito ng sarkastiko.
Hindi na siya nito napigilan nang maglaho na siya ng mabilis. This time, siya ang tatakas sa lalaking 'yon at siya ang gagawa ng katangahan pagkatapos.
Sumabog ang matamis na pabango ng babae sa ilong ni Clint. Alam ni Victoria sa mga oras na 'yon lasing na lasing na ang binata. Sinusundan kasi nito ang babaeng may suot na pink dress kanina pa. Clint was busy smelling her shoulder while they talk. Victoria's seat was located at the second floor of that bar. She could easily watched Clint below, beside the dancefloor. Nakaupo kasi kanina ang dalawa sa stool ng bar sa ibaba na visible naman sa kinalulugaran niya.
"Who is he? Your new lover? Baka magselos niyan ako" si Timothy na biglaan na lamang sumulpot sa kaniyang tabi.
She wanted to groan but she couldn't show any emotion to him, she would just regret it after. "Why are you here? I'm not the president daughter to have a bodyguard who'd just follow me around"
"Princess. You are not the president daughter pero mas mahalaga pa ang kaantasan mo keysa sa presidente ng bansang ito. You are the King's daughter"
She laughed sarcastically and her eyes came down again to follow Clint. "He is just like you"
Umuklo din ang si Timothy at tinitigan ang lalaking si Clint. "Mas gwapo naman ako sa kaniya,ha"
"He's a happy-go-lucky guy, just like his father"
Bigla itong natahimik. Nanatili ang titig sa lalaking naroon. Hindi na nito alam ang sasabihin at tila tuluyang naumid ang dila. Kahit na malakas ang tugtog doon, dinig na dinig ni Victoria ang malakas na kabog ng dibdib nito. Sumulyap siya sa lalaki saka ngumisi matapos makita ang pangungulila sa mga mata nito.
"He's just like you"
"Princess. Single kaya ako. Paano ko naman magiging anak—"
Mas lalo lamang siyang napangisi. "I didn't say he is your son, masyado ka nang napaghahalataan"
Tumayo siya, iniwan ang lalaki doon na alam naman niyang hindi na magtatangkang sundan pa siya. Nagtungo siya sa private room na inuokupa niya kanina at umupo sa puting couch doon. May waiter na muling pumasok at nagtanong kung anong gusto niya. Ibinigay naman niya ang isang utos mula dito.
Zackarhus shook his head again. Kanina niya pa pinagmamasdan ang kaniyang kaibigang si Clint na ngayon ay sunod nanaman ng sunod kay Amara. Ang pinsan niya namang si Amara ay inis na inis nanaman dito. As usual, hindi nanaman nito maeenjoy ang gabi at sa huli ay siya ang sisisihin nito.
"Don't you have a class tomorrow? This is the first time that you went out with us" Si Desiree, kaibigan naman ni Amara. Kasama nito ang pinsan niya sa iisang school, ibang school sa kanila.
"Oo nga, himala yata, Zack?" Si Amara na ngayon ay nakabalik na pala sa okupado nilang couches. Sumunod naman ng tabi dito ang kaibigan niyang si Clint.
Umingos si Clint, reaksyon ng lalaki sa nabanggit ni Amara. "Ayaw niya pa nga kanina, kung hindi ko lang binlackmail"
"Blackmail?" Natawa si Desiree. "Paano nga ba i-blackmail ang isang Zackarhus,ha? Baka sakaling pumayag na maging escort ko siya sa anniversary ng parents ko"
Umiling si Zack. Pasimpleng binawalan ang pag-e-snitch sa kaniya ng kaibigan niya. "I'm going to your parents' anniversary as Affarra's partner, Des. Si Trick ang bahala sa'yo"
"Busy ang stepbrother kong 'yon, isa pa'y we're not into good terms these days" umasim bigla ang mukha nito.
Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan hanggang sa mapansin ni Clint ang ginagawa ni Zackarhus. Agad itong sumigaw at masama ang tingin sa kaniya. "Zack! Dude! Huwag naman madaya sa alak. You're not even drinking kahit na drop lang ng alak. Ang daya mo talaga!"
Natawa sina Desiree at Amara. "Sumama ka pa, Zack, kung hindi ka rin naman pala iinom" pambubuska ni Amara sa kaniyang pinsan.
"How can I kiss you niyan?" Natatawa ani Desiree. "Plano ko pa naman 'yon"
"Busted ka na,Des!" Clint laughed at her.
"I'm good. I can't drink. I'm going to be your driver to—"
"Are these two are my students?"
Sabay-sabay ang pag-angat ng mga ulo nila. Clint was exaggeratedly surprised and his mouth was opened widely while Zackarhus was just eyeing Victoria with his quiz look. The two other girls were looking at the two boys questioningly and looking back at Victoria again.
"Miss Wood!" Si Clint na ang tumayo at lumapit pa talaga ito dito. "Bakit po kayo narito?" He stupidly asked.
"Sino siya?"
"Who is she, Zack?"
Victoria stared back at Zackarhus with the same intensity. "It's a club, Clint. I'm here for a drink and then I accidentally saw you. It's so good to see you in a place like this Mr. Grey"
Nangunot ang noo ni Zackarhus. Ang isang bagay lamang na 'yon ang napansin niya sa babae. Why does she keep on calling his friend just by his name but when it comes to him, Mr. Grey ang tawag nito.
"Goodevening, Miss Wood" hindi niya magawang hindi sumimangot dito. Gusto niya tuloy kastiguhin ang kaniyang sarili.
"Sorry for interrupting you,guys" ngumiti ito sa dalawang babaeng kasama nila na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha habang nakatingin kay Victoria. Insecurities were written on their faces and all she could do is smirk. Well, who wouldn't feel insecure when it is Victoria they are talking about. "I'll leave you now. I have—"
Nakalimutan na yata ng binatang si Clint na guro nito ang babaeng nasa harapan nila ngayon nang akbayan nito ang babae. Tatawa-tawa pa ito at hindi pansin ang pagsuway ng sariling kaibigan. Sabagay at wala na yata ito sa katinuan dahil kanina pa ito inom ng inom ng alak.
"Stay here, Miss Wood. Sama sama na tayong magparty-party" itinaas pa nito ang hawak na beer.
Gustong mapangisi ni Victoria. Babawalan na sana ni Victoria si Clint nang biglang tumayo si Zackarhus kaya wala itong nagawa kundi ang panoorin na lamang kung anong balak niyang gawin. Naglakad ito at nakiusap pa kay Desiree na paraanin siya ito upang makalapit na ito ng tuluyan kay Victoria. Zackarhus pulled his bestfriend's arm out of her shoulder and slightly bow his head at her. Kita ni Victoria ang mariing titig niya sa balikat nito kaya naman medyo umiwas siya ng tingin at binalingan na lamang si Clint.
"She's our teacher, Clint. Get a hold of yourself" siya na mismo ang nagpaupo dito na siyang ikinatawa lamang ng huli.
"I know that you had your hots on Miss Wood but don't be too selfish, dude. She is so hot and —" napamura si Zackarhus nang takpan niya ng kaniyang palad ang madaldal na bibig dito. Ang dalawang babae naman sa kanilang tabi ay gulat paring nanonood sa kanila, hindi pa yata naaabsorb ang nangyayari sa kanila.
"Sorry, Miss Wood" humarap siya at nahihiyang humingi ng tawad sa babae na kanina pa yata nakatitig lang sa kaniya. He was used to it but when it comes to this girl, to their teacher, he's becoming more agitated. Parang lahat ng dugo sa katawan niya nabubuhay at sumasayaw.
Matagal bago nag-react si Victoria. Tumingin ito sa dalawang babae nang magkasunod saka muling bumalik ang mga mata nito sa kaniya. Nakaramdam tuloy siya ng pagkailang dahil sa klase ng pagtingin nito sa kaniya.
Is she drunk? Amara and Desiree will eventually realized her stares, o meron bang meaning ang tingin na 'yon sa akin ni Miss Wood?
"Misis?"
Otomatikong tumaas ang kaliwang kilay ni Victoria sa babaeng 'yon. Katabi ito kanina ni Zackarhus at sa pagkakarinig niya ay Desiree ang pangalan nito. She was watching them intently before deciding to finally approach their couch.
"I'm a miss" she still sweetly smiled at her although she could feel her fangs getting out because of her rage towards this girl. Kanina pa ito namumuro.
"Sorry again, Miss Wood—"
"Why do you keep on saying sorry to her. You're not at fault naman. Si Clint—"
"Because he is a gentleman. I thought you're a friend of him? Why don't you know how to shut your mouth when two people are still talking?" Hindi na siya nakapagtimpi. Kulang nalang ay sabunutan niya ang babae kung hindi lamang pumagitna sa kanila si Zackarhus. Dagdag pa ang isang kamay na pumaikot sa kaniyang beywang.
She wanted to groan when she smelled that familiar scent. Fck him.
"Bigla bigla ka nalang nawawala, Princess. Let's go back up" si Timothy na panira ng eksena.
Hindi pa siya tapos sa plano niya. Hindi niya pa napaiinom 'yon kay Zackarhus. Bakit ba kailangan nitong umeksena at sirain ang plano niya?