Ramdam ni Kazhius ang pamamanhid ng kaniyang buong katawan dahil sa gamot na 'yon. Hindi niya pinansin ang kalayagang 'yon at nagpatuloy lang sa paglalakad, hawak niya ang nasugatang kaliwang braso. Hindi 'yon naghihilom tulad ng mga nakaraang sugat niya. Sigurado na siya sa isang bagay ngayon na ipinagtataka niya kanina. Ibang uri ng gamot ang ginamit sa kaniya. Hindi 'yon basta-basta. Hindi basta basta ang kalaban nila.
His mission was to get inside that building. It wasn't an ordinary building that he thought at first. He just expected it to be an easy mission but life brought him the opposite. Ngayon nga ay nasa isang maliit na kwarto siya at kahit na nakapag-aadjust siya sa madilim na lugar ay hindi niya naman magawang gawin ngayon. Lahat ng advantage ng pagiging bampira nila ay tuluyang nalulusaw sa lugar na 'yon, o sa gamot na itinusok sa kaniya kanina.
"Sht" muli niyang usal ng may mahawakan siya, isa 'yong katawan na sa pakiramdam niya ay wala na ngang buhay.
Tumama ang kaniyang siko sa panibagong katawan at sa pagkakaintindi niya ngayon ay alam na niya ang nangyayari. Ikinukulong marahil ang katulad niyang natusukan ng gamot na 'yon sa kwartong 'yon saka iiwan upang alamin kung hanggang kailan tatagal ang gamot. It wasn't for medication. The purpose of that drug is for killing vampires. He wasn't fully sure of it but he will do his best to find that out if ever he'll escape here.
"Victoria" bulong niya. Tila nanghihingi ng tulong sa babaeng 'yon at ayaw niyang mawalan ng pag-asa. But he was sure, Victoria is out there and if only she finds his situation. Alam niyang tatakbo nanaman ito upang mag-abot ng kamay sa kaniya.
Sa kabilang banda naman ay hindi na maipinta ang mukha ni Victoria. Ang kaninang enjoy na mukha nito dahil sa sitwasyong kinahaharap ngayon ay hindi niya na ninanais. This brute just ruined the stage for her and Zackarhus wasn't helping her situation. Base on the reaction written on his face, he obviously believed Timothy.
"Prinsesa ko"
May ugat na muling pumutok sa kaniyang sentido. Tuluyang nakitil ang kaniyang pagtitimpi at malakas na ipinatong ang paa sa kaliwang paa ni Timothy. Ang matulis na heels ng kaniyang stiletto ay tumusok sa gitnang bahagi ng paa nito. She heard him winced his pain and darted his hawk-liked-eyes sideway at her.
"Fck!" Hindi na nito napigilan ang pagmumura nang mas lalo niyang diinan ang pagkakatapak dito.
Shock was drawn on their faces and Victoria couldn't hide her reaction, she slightly bit her lower lip. Her reaction made its way to Zackarhus that he noticed that quickly.
"Sht" umiwas ito ng tingin sa kaniya.
Para siyang bata na siyang hindi niya maintindihan dahil bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkailang sa unang pagkakataon.
Upang itago ang awkwardness na nararamdaman niya ay umirap siya sa mga ito ngunit mabilis din naman bumalik ang mga mata niya sa mga ito.
"We'll leave now. Sorry for bothering you, guys" inipit ng dalawang daliri niya ang tainga ni Timothy at hinila 'yon habang humahakbang ang kaniyang mga paa paalis doon. She glanced back at Zackarhus and smiled again.
"Miss Wood, we can party together" si Clint na akala niyang tulog na dahil kanina lang ay nanahimik ito at pumikit. Tumayo ulit ang lalaki na agad namang binawalan ni Zack.
She was about to say something when Timothy said something to her. "Kazhius needs you, Princess"
Sa una ay kumunot ang noo niya at nagtatanong ang mga matang bumaling sa lalaki. Nang bumadha sa kaniyang isip ang misyong kinalalagyan ng kaniyang kanang kamay. Si Kazhius, kahit pa man matigas ang ulo nito pagdating sa kaniya ay hindi niya kayang isawalang bahala ang lalaki. Taka man kung paano nasabi ni Timothy na kailangan siya ngayon ng lalaki ay minabuti na lamang niyang sumagot sa kaniyang estudyante.
"I'm sorry, we have to leave now" saka siya walang lingon-lingon na lumisan doon.
"Kazhius needs you, Princess"
Zackarhus saw that concern face when he was busy analyzing his teacher's face. After she heard that, her hard facial expression change into a concern one. Doon palang ay may napagtanto na si Zackarhus. Sino ang lalaking 'yon na nagngangalang Kazhius at parang labis ang pag-aalala ng babae dito.
Her brother? Cousin? Relatives? Well, gusto niya na lang paniwalaan ang alinman doon. When he saw that man again claiming Victoria as his princess something got on his throat and clogged there. He could almost feel himself getting curious about her real status. How old is she again? Ilang years ba ang ahead ng babae sa kanila at lahat ng tungkol dito ay gusto niyang malaman!
"Zack" Desiree's voice came out into seriousness that he could feel her curiosity getting up just like his. "Who is she? You've been acting weird since she came out in nowhere and started to make a show. I've been stopping myself from asking you because you looked like a teenage boy being awkward all of sudden because his crush is in front of him. You're too obvious"
"Agree" si Amara na pailing-iling habang tinatampal ang pisngi ni Clint dahil nasa balikat nanaman nito ang ulo ng lalaki. He's totally down at that moment.
Si Desiree nanaman ang nagsalita. Hindi na siya binigyan ng pagkakataon para magreact sa sinabi nito kanina. Well, he wasn't aware of that because he did his all best to avoid reacting too much about Victoria. He showed his affection towards her unaware.
"Look, she's pretty,right. But she's obviously taken. Ano bang ugali 'yan, Zack" pagmamaktol nito. Ngayon lang ito naging ganoon kaseryoso.
"I'm not into-"
"You are"
Well, hindi niya ito matatalo sa ganoong usapan. Desiree is a real btch when it comes to that situation. Mana yata ito sa lawyer na magulang na parehong abugado.
"Clint is down. Let's go home now" nilapitan niya ang tulog ng kaibigan. Akmang bubuhatin na sana ngunit mabilis na umangal ang dalawa.
"Siya lang ang taob, Cousin. Hindi pa nga kami lasing dalawa,eh"
"Yeah, kami ang sinamahan niyo kaya kami ang masusunod kung kailan tayo uuwi. Plus you're here,Zack. May maghahatid din naman sa amin. We didn't bring our own cars. Sa iyo kami sumakay, kaya saka na kayo umuwi"
"Let Clint sleep there. We'll just dance and go back here again,'kay?"
"A'right" ano pa bang magagawa niya?
Nanatiling nakamulat ang mga mata ni Kazhius habang unti-unting kinakain ng liwanag ang kwartong 'yon dahil sa pagbukas ng pinto. Noon niya lang napagmasdan ng maayos ang kinalulugaran niya. Isa nga 'yong maliit na kwarto, puti ang lahat maliban sa metal na pintuan na ginamit doon. Walang kahit na anong bintana at ang tanging nagbibigay liwanag doon ay ang nakabukas na ngang pintuan. Wala kahit na ano.
Dumaan ang kaniyang mga mata sa tatlong katawan na nakahandusay doon. They are obviously not breathing. Bumalik sa pintuan ang kaniyang paningin at hinintay doon ang pagpasok ng isang babae.
May pulang tali ito sa leeg at ang mga mata ay nakapiring. Isa rin ba itong bihag katulad niya? Hindi niya pansin ang panghihina nito. Ang tangin napansin niya lang sa babae ay nakararamdam ito ng labis na takot. Pilit na inaalis ang posas sa mga kamay.
"Magbabayad ako ng utang. 'Wag niyo lang akong gawan ng masama"
Muling dumako ang kaniyang paningin sa isang lalaki na nakahandusay doon, gaya ng babaeng kapapasok lang ay may pulang tali din ito sa leeg.
"Mga mama, please. Huwag niyo akong gagawan-" malakas ang pagsipa ng lalaking nakaitim doon kaya naman napatumba ang babae sa kwartong 'yon.
Biglang nabuhay ang dugo sa kaniyang katawan. Nagsimulang kumawala ang nakapapasong pagnanasa sa kaniyang lalamunan. Kazhius could feel his wants of claiming her, sht. Hindi pwede. Ilang taon siyang tinuruan ni Victoria kung paano magpigil pagdating sa amoy ng dugo ngunit ngayon, parang wala 'yon naitutulong. Hindi pwede, hindi niya pwedeng gawin 'yon.
Nakita niya ang unti-unting pag-agos ng dugo sa palad ng babae. Nasugatan pala ito. Kung minamalas nga naman siya.
Kung ganoon ay 'yon pala ang plano ng mga ito. Pag-e-eksperimento. Mali ang akala niya na gusto lamang malaman ng mga ito kung hanggang kailan tatagal ang gamot, alam na niya. May mga inosenteng tao pang nadadamay dito na tiyak na mas lalong hindi papaburan ng pinuno nila.
Sa mabilis na pagkilos ay nakarating siya sa tabi nito. Ang pintuan kanina ay tuluyan na ngang nakasara. May tunog ng pagclick siyang narinig at ang dalawang kamay ng babae ay tuluyang nakawala sa pagkakagapos.
Sumagi ang kamay nito sa kaniyang mukha kaya mas lalong nabaliw ang kaniyang pagtitimpi. Hindi pwede! Malakas ang sigaw ng pagtutol sa kaniyang utak. Naririnig ang pagbabawal.
"Si-sino ka!?" May pagmamadali ang pagtanggal nito sa piring na nasa mata. Kahit na tuluyang nawala ang tela sa mga mata nito, wala paring makita ang babae ngunit tuloy parin ang paggalaw nito. Ang pagkapa nitong muli sa kung saan ay mas lalong nagpakawala sa amoy ng dugo nito. "Pa-patawarin n-niyo ako. Mag-ba-babayad naman a-ako ng utang ko! P-pakawalan niyo na ako. Paki-usap" humagulgol na ito sa takot.
Naging mas malakas ang reflexes ni Kazhius. Maging na rin ang kaniyang pandama. Kung kanina ay nahihirapan siya sa muling pag-aadjust sa pagbaba ng kaniyang kakayahan, ngayon ay parang sasabog na lahat ang pakiramdam niya.
Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay nito. Naitulak ang likuran nito sa matigas na pader. Malakas 'yon, mas ramdam niya ang lakas niya ngayon. Parang hindi niya kakayanin pero ikinatutuwa ng kaniyang katawan.
"Ahh!" Daing nito dahil sa sakit. Mas lalong humagulgol ang babae.
Hindi. Hindi siya pwedeng mawala sa katinuan. Kailangan niyang pigilan ito.
Ang kaninang pagpipigil niya ay tuluyan na ngang naputol. Ang itim ng kaniyang mga mata ay lumipat sa pagiging pula at ramdam niya ang unti-unting pagtulis ng kaniyang mga pangil.
"Argh!" Malakas ang pagsigaw niyang 'yon. Mas malakas pa sa tunog ng pagsabog ng isang bomba. Tuluyang nahimatay ang babae at kasabay noon ang pagdampi ng kaniyang mga pangil sa leeg nito.
Hanggang sa malakas na bumukas ang pintuan. Nasira 'yon at kitang-kita niya ang gulat na ekspresyon sa mukha ng babaeng kanina niya pa hinihintay.
"Victoria"
"Get him" utos ni Victoria kay Timothy matapos niyang makita ang ginawa nito. "I said get him!" Malakas ang pagkakasigaw niya doon.
Ang gulat na si Timothy ay bumalik sa katinuan at hinawakan si Kazhius na ngayon ay unti-unti na ngang nanghihina.
"Paano 'yong babae?" Tanong nito.
She looked at the woman and back to Kazhius. "Kazhius is our first priority. Bring him back to my mansion. I will handle this woman"
Mabilis na tumalima si Timothy at ibinuhat nga ang walang malay na si Kazhius. Ang tatlong kasamahan nila ay naroon na at agad naman humarap ang binata sa mga ito upang magbigay utos.
"Clain, Don, Lion. Protect the princess. Don't leave her until you reach the mansion" saka na ito naunang lumabas doon.
"Princess" tawag sa kaniya ni Don nang akmang bubuhatin niya ang babae. "I'll carry her"
Umurong si Victoria sa pagtangkang pagbuhat dito. Tumango siya kay Lion palipat sa isa pang nakasaradong pintuan. "There are still two women there. The other one is pregnant. Ilabas niyo sila kahit na anong mangyari"
Tumalima naman agad ang dalawa, si Clain at Lion.
"Princess, we should prioritize your safety. Mauna na po tayo"
She looked at him coldly. Agaran naman ang pagyuko nito at paghingi ng tawad.
"Bring that woman at our chamber and locked her. Kazhius bit her. Kailangan nating siguraduhin na hindi siya magiging isa sa atin at mapapatay si Kazhius ng ama ko"
"Pero hindi po full blood si Kazhius,hindi po mangyaya-"
"With that unknown drug, we aren't sure. Call Ava and her team. Examine her"
"Paano po si Kazhius"
"I will handle him. For now, bring that woman in the chamber. Now, Don!"
Naiwan siya doon at hinintay ang dalawa pang nasa loob ng kwartong 'yon. Nang makalabas ang mga ito ay panibagong problema ang nakita niya.
"Fck this" hindi nakagat ang mga ito kundi naturukan din ng drug na 'yon. "Let's go. We'll bring them to the chamber"
Ibang-iba 'yon sa mga nakasagupa nila problema noon. Sino ang ulo sa pagkakataong 'yon? Kailangan niyang maresolbahan ang kasong 'yon bago pa malaman ng kaniyang ama.