Chapter 06

1333 Words
“ATE, bakit hindi ka na ulit nag-aral?” Winter paused in her reading, lifting her head and met Nathan’s gaze. Her lips curved into a small smile. “I have thought of that before pero hindi sapat ang pera natin para makapag-aral tayo ng sabay. Hindi kakayanin ni nanay,” sagot niya. Nakita niya ang bahagyang paglungkot ng mukha ng kapatid niya. “Bakit mo pala biglang natanong yan?” “Wala lang, ate. Nanghihinayang lang kasi ako, eh.” Ginulo niya ang buhok ng kapatid. “It’s okay. Masaya na ako pag nakita kitang grumaduate at magkaroon ng magandang trabaho. Wag mo na akong problemahin. Kaya ko naman na ang sarili ko.” Lumapit ang kanilang ina at naupo sa tabi niya. Marahan nitong hinaplos ang buhok niya. “Pasensya na, anak at hindi ko kayo kayang pag-aralin ng sabay,” malungkot nitong sabi “Okay lang naman po yun, nay. Naiintindihan ko naman po.” “Kung siguro nandito pa ang tatay niyo ay baka nagawan pa namin ng paraan na mapag-aral kayo.” Natahimik si Winter. Their dad died in a car accident when she was 10 years old. Limang taon gulang naman noon si Nathan. Kaya simula ng nawala ang ama nila ay nakita niya ang pagdodoble kayod ng kanyang ina. Dahil naaawa siya sa ina, nagdesisyon siyang huminto sa pag-aaral at tulungan ito sa kanilang mga gastusin. And now she’s working to help her mom sa pang-aral sa kapatid niya. “Wag niyo na pong isipin yun masyado, nay. Hindi naman natin ginusto ang nangyari kay tatay,” ang sabi niya pagkaraan. “Di bale, ate kapag nakapagtapos ako at nakahanap ng magandang trabaho magiging maayos na ang buhay natin. Hindi lang kayo ni nanay ang magta-trabaho. Tutulong na din ako.” Napangiti siya sa sinabi ni Nathan. “Talaga ba? Sinabi mo yan, ah. Tapos pag nagkaroon tayo ng sapat na pera kumuha na tayo ng sarili natin bahay. Nakakasawa na kasi yung boses ni Aling Martha. Nakakarindi,” biro niya at napatingin sa ina. “Ano sa tingin niyo, nay? Di ba mas maganda kung may sarili tayong bahay?” “Aba, syempre naman. Mas gusto ko din ang sariling bahay kaysa naman habambuhay tayong mangupahan,” sagot ng ina. “Sige, bahay muna, ate.” Tinaasan niya ng kilay ang kapatid. “Oy, ikaw. Wag ka munang mag-aasawa. Baka iwan mo kami agad ni nanay, ah.” Napakamot naman ng ulo si Nathan. “Ate, naman. Di ba dapat ikaw muna ang mag-aasawa. Ikaw ang mas nakakatanda sa atin, eh.” Napatawa siya ng malakas sa sinabing yun ng kapatid. “Ako? Ikakasal? Aysus, malayo-layo pa yun. Wala pa nga akong boyfriend, eh.” Hindi pa pumasok sa isip niya ang magpakasal. No, right now she still couldn’t imagine herself getting married. “Saka na lang yun. Hindi naman ako nagmamadali,” dagdag pa niya at saka ulit bumalik sa pagbabasa. DAHIL wala pang masyadong napasok sa loob ng jewelry store ay minabuti muna ni Winter na punasan ang display cases. Hindi pa man siya nagtatagal sa ginagawa niya ay may nahagip ang sulok ng mga mata niya. Sandali siyang huminto at napalingon. Muntik na niyang mabitawan ang hawak niyang basahan nang makita kung sino ang pumasok sa store. “Hello.” Awtomatiko siyang napatayo ng diretso. Siya ba ang kausap nito? “H-hello, Sir,” nauutal niyang sabi. Gusto niyang sampalin ang sarili dahil dun. Hindi niya inaasahan na magkikita na naman sila ng lalaki. Was it a coincidence? No, by the looks of it, mukhang sinadya talaga nito ang magpunta dito. “Are you looking for a gift again?” she asked, trying to make her voice sound normal. She flashed him a small smile. “Oh, no,” umiiling nitong sabi at ngumiti. She was taken aback seeing him smile for the first time. Hindi siya kaagad nakapagsalita. “I’m actually here because of…” Huminto ito sandali sa pagsasalita at ang tingin nito ay nasa mga kwintas na naka-display. “Can I see that?” he asked at may itinuro sa kanya. “Sure,” tugon niya. Kinuha niya mula sa loob ng display cabinet ang tinuro nitong kwintas at binigay iyon dito. “It’s beautiful,” he said. Ang ngiti sa labi nito ay hindi pa rin nawawala habang tinitigan ang kwintas. It’s a diamond snowflake pendant. He turned his gaze at her. “Mahilig ka din ba sa jewelries?” Isang nag-aalangan na ngiti ang binigay niya dito. “Not really,” she replied. “I see. But what if someone will give you one as a gift, tatanggapin mo ba?” She stared at him for a moment before looking away. His intent gaze was making her feel uneasy. “Well, I don’t mind. It’s a gift. At hindi naman maganda kung tatanggihan ang regalo, di ba?” Though duda siyang may magbibigay sa kanya ng ganun. He nodded. Bigla naman may nag-ring. It was his cellphone. Nakita niya ang pagsalubong ng kilay nito pagkatingin sa phone. “Yes, hello Mr. Chen,” bati nito sa kausap sa kabilang linya. Sandali itong natahimik at nakikinig lang sa kausap pero pagkaraan ay nahilot nito ang sentindo. “Yes, yes, I understand.” Isang marahas na paghinga ang pinakawalan nito pagkatapos ng tawag. Ibinalik ulit nito ang tingin sa kanya. “I have something I want to ask you. It’s the reason why I came here but since something came up, maybe I’ll talk about it next time.” Gumuhit ang pagkalito sa mukha niya. “What is it that you want to ask?” Hindi nito sinagot ang tanong niya. “I like this one,” anito na ang tinutukoy ang kwintas na hawak. “I’ll take this one.” Nagulat siya sa bilis nitong magdesisyon. Pero pagkaraan din ay inaya niya ito sa counter. Ibang tao na ang nag-asikaso sa kanya. Bumalik na ulit siya sa pwesto niya kanina pero ang tingin niya ay nasa counter pa din kung nasaan ang lalaki. Nang napalingon ito sa direksyon niya ay kaagad siyang nag-iwas ng tingin. Nagpanggap siyang busy na sa pag-aayos ng mga jewelries na naka-display. Nang sulyapan niya ito ulit ay tapos na ito sa pagbabayad. Umayos siya ng tayo nang huminto ito sa harapan niya. “I wasn’t planning to buy a necklace but when I saw this I thought it would look good on you. It’s a snowflake pendant. It suits your name, don’t you think, Winter?” Her eyes widened from shock. How did this man know her name? Who told him? He took her hand and handed her the paper bag. “Take this. Think of it as my gift for you,” patuloy nito ng hindi siya nagsalita. Naguguluhan niyang tiningnan ang lalaki. Bumaba ang tingin niya sa hawak niyang paper bag na binigay nito. “Hindi ko ito matata—” “Take it,” pagputol nito sa sinasabi niya. “If you don’t then I’ll just throw it away.” “No!” mabilis niyang pagtutol. Nanghihinayang siya sa kwintas. The necklace was so expensive para basta na lang itapon. “I-I’ll take it then.” She flinched when he touched her face. Dapat sana ay magalit siya sa ginawa nito pero hindi niya magawa na labis naman niyang ipinagtataka. A fleeting look of pain crossed his face. “You do really look like her,” makahulugan nitong sabi na mas lalong nagpagulo sa kanya. “Who are you? Paano mong… paano mo nalaman ang pangalan ko?” He stared at her blankly then he glanced on his wristwatch. “Oh, sorry. I really need to go now,” anito na hindi man lang siya tiningnan. He was about to leave but she grabbed his arm to stop him. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. How did you know my name?” His gaze dropped to her hand, then back to her face. “Noah Elizalde,” he replied. “Huh?” “To be fair, I told you my name since I already know yours,” sagot nito. Binawi ni Noah ang braso mula sa pagkakahawak niya. “I hope the next time we meet again, suot mo na ang necklace na yan.” She opened her mouth to say something but nothing came out. At bago pa man siya makaisip ng sasabihin dito ay tumalikod na ito at umalis, leaving her totally confused. Napatingin siya sa paper bag na hawak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD