SHE was lying on her stomach habang nakataas naman ang isa niyang kamay na hawak-hawak ang kwintas. Pinagmasdan niyang maigi yun. It was a beautiful necklace pero hindi niya alam kung babagay nga ba talaga sa kanya yun gaya na lang ng sinabi ng lalaki sa kanya.
Bumangon siya at nagtungo sa harap ng salamin. Sinuot niya ang kwintas at pinagmasdan ang sarili. A small smile stretched her lips. The guy was right as the necklace looked pretty on her.
“Noah Elizalde, huh?” she mumbled as her fingers played with the snowflake pendant.
Hanggang ngayon ay malaking palaisipan pa din para sa kanya kung paano nito nalaman ang pangalan niya. He also said he wanted to talk about something. What could that be then? Judging by his aura, sigurado siya na magkalayo ang estado nila sa buhay. He even bought a necklace and gave it to someone he barely knew. What could someone like him possibly need from her?
“He’s weird,” komento niya pero may ngiting gumuhit din sa labi niya. She was already looking forward to their next meeting.
SINUOT niya kinabukasan ang necklace na binigay sa kanya ni Noah. Ang sabi nito sa kanya ay babalik ulit ito. Hindi nga lang nito sinabi kung kailan kaya minabuti na lang niyang suotin ang kwintas. Buong araw ay hinintay niya ito pero hindi ito dumating. She was dismayed but she thought that maybe he was busy. He was talking to someone on his phone yesterday and it looked like it was something serious. Probably about his work.
“Oy! Kanina ka pa panay ang tingin sa labas. May inaantay ka ba?” it was Sandra.
She shook her head. “Wala naman. May masama ba sa panay ang tingin ko sa labas?”
Tumaas ang kilay nito at ang tingin ay bumaba sa leeg niya. Nanlaki ang mga mata nito at napasinghap. “Hey! Ngayon ko lang nakita yang kwintas na suot mo. Wala ka naman suot na ganyan kahapon.”
“Oh this,” aniya at nag-iwas agad ng tingin. Pagdating sa mga ganitong bagay ay mabilis ang mga mata ni Sandra.
Lumapit ito sa kanya at tinitigan maigi ang kwintas. “Oh my! Hindi ba’t ito yung kwintas na naka-display sa atin? This is expensive. I’ve never seen you buy this. Paanong… did someone give this to you?”
She didn’t answer.
Her eyes narrowed at her, then a grin crept across her face. “It’s the guy yesterday, right? Naalala ko ganitong klaseng necklace ang binili niya kahapon at nakita ko din na nag-uusap kayo. Manliligaw mo ba? Or is he already your boyfriend?” sunud-sunod nitong tanong sa kanya.
Minsan napapaisip na din siya kay Sandra. Mas bagay pa yata dito ang maging reporter kaysa ang maging isang sales lady. “No, he’s just a friend,” sagot niya.
“Aysus! Talaga nga ba? Gasgas na yang linya na yan.”
Natawa siya ng bahagya sa sinabi nito. It would be nice if they were really together. “Kaibigan ko nga lang talaga yun,” she insisted. Tinitigan siya nito na para bang hindi pa rin naniniwala sa sinabi niya.
“Winter?”
Napalingon siya sa store manager nila na tumawag sa kanya. “Po?”
“May naghahanap sa’yo sa phone. Kapatid mo daw.”
Nagsalubong ang kilay niya. Dali-dali niyang pinuntahan ang telepono at sinagot ang tawag. “Hello, Nathan?” Narinig niya ang pag-iyak nito sa kabilang linya dahilan para lalong lumalim ang pagkakunot ng noo niya. “Hoy, Nathan. Bakit ka umiiyak? M-may nangyari bang masama?” kinakabahan niyang tanong.
“Ate... si ‘nay isinugod namin sa ospital. Naabutan ko siyang nakahandusay kanina sa sahig at walang malay pagdating ko sa bahay.”
“What?” Hindi niya alam kung lumabas pa ba sa bibig niya ang katagang yun. Pakiramdam niya ay huminto ang mundo ng mga oras na yun. Narinig pa niyang nagsasalita ang kapatid sa kabilang linya pero wala na siyang maintindihan ni isa sa mga pinagsasasabi nito. Kung hindi lang siya napasandal sa pader ay baka natumba na siya. Nanginginig ang kamay niya na ibinaba ang telepono. Paanong nangyari yun samantalang bago siya umalis ay okay pa ina niya?
Nagpaalam siya sa store manager nila na kung pwede ay maaga siyang umalis. Nabanggit niya dito ang nangyari sa ina niya. At laking pasasalamat niya ng payagan siya nitong makaalis din.
Nagtungo siya kaagad sa hospital kung saan dinala ang kanyang ina. Nalaman niyang may bara sa puso ang ina at kailangan nitong maoperahan agad. Ngunit malaking halaga ang kailangan nila para sa operasyon. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng ganun kalaking pera. May ipon naman siya pero hindi pa din sapat yun. Kung mangungutang naman siya ay hindi rin niya alam kung makakahiram ba siya ng sapat na pera para sa operasyon. Kung sakali man oo, mababaon naman sila sa utang pagkatapos.
Nakagat niya ang ibabang labi habang pinagmamasdan matulog ang kaniyang ina. “Nathan, bantayan mo muna si ‘nay,” ang sabi niya sa kapatid. “Lalabas muna ako saglit.”
Tumango lang ang kapatid niya at hindi nagsalita. Tulala siyang lumabas ng hospital. Hindi niya alam kung anong gagawin. Saan siya maghahanap ng pera para sa operasyon ng ina? Mabuti sana kung pinupulot lang ang pera sa daan. Bakit nangyari pa ito sa kanila ngayon? Hindi niya kakayanin kung pati ang ina nila ay mawawala din sa kanila.
NOAH frowned when he saw Winter left the jewelry store. Was she already going home? No, it was still too early for her to leave and it’s still 1 in the afternoon. He stopped in his tracks and watched Winter from afar.
“What’s wrong with her?” he asked himself when she was just standing in front of the store. Pagkaraan ay naglakad na din ito. He decided to follow her.
Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya nang mapansin na tulala ito at parang wala sa sarili na naglalakad. He had been following her for a couple of hours and yet she still hadn’t noticed his presence.
Nag-flash na ang walking symbol sa pedestrian light pero nanatili pa din nakatayo sa pwesto nito si Winter. Ang mga ibang tao na kasama nila na nag-aantay ay nagsitawiran na habang silang dalawa ay naiwan lang dun. Mga ilang sandali din ay nag-flash ang red hand symbol sa pedestrian light na nangangahulugan na wag muna silang tatawid. His brows furrowed when Winter started walking. Tuloy-tuloy ito sa paglalakad na para bang walang kamalay-malay sa nangyayari sa paligid.
“Winter!” tawag niya dito pero para ba itong bingi at hindi man lang siya nito nilingon. Napamura siya ng malakas ng dire-diretso lang ito patungo sa kalsada. Hinawakan niya ang braso nito at hinila agad bago pa man ito mahagip ng sasakyan. Napasubsob ito sa dibdib niya. “What the hell is wrong with you? May balak ka bang magpakamatay?” galit niyang tanong dito.
Nag-angat ito ng ulo at saka niya lang napansin na namumutla ito. Maitim ang ilalim ng mga mata nito pero hindi pa rin iyon naging kabawasan sa itsura nito. “N-Noah?”
Anuman galit at inis na nararamdaman niya ng mga oras na yun para dito ay naglaho na parang bula nang marinig niyang binanggit nito ang pangalan niya. His face softened. “Come on, what's wrong with you? Bakit parang wala ka sa sarili mo?”
“I... My mom...” Hindi na nagawang tapusin ni Winter ang sasabihin sana dahil bigla na lang itong nawalan ng malay.