"Salamat po Sir Marcus. Napakalaking tulog po nito sa pamily ko, lalo na po sa panganganak ng asawa ko. Makakaasa po kayo Sir Marcus na ilalapit ko po kayo sa kapatid ko," mahabang litanya ng kapatid ni Amara sa kanya matapos niyang abutan ito ng sampung libo. Sinundan siya ng Kuya ni Amara paglabas niya ng bahay ng mga ito. Ramdam na niya iyon, dahil nga kanina narinig niyang nangungutang ito kay Amara para sa panganganak ng asawa nito. Hindi na rin siya nagulat pa nang hingan siya nito ng tulong pinansyal. Kaya naman pinasunod niya ito sa mansyon para maabutan ng pera. "Sige na baka maabutan kapa ni Amara dito," sabi niya rito. "Opo Sir Marcus. Mabait na bata at matalino po si Amara. Maganda rin po siya. Marami ngang nanliligaw diyan, pero hindi muna namin hinahayaang magpaligaw dahil

