"Sinisilaw mo ba ko sa yaman mo Sir Marcus?" Matapang niyang tanong. Hindi siya dapat matakot rito na magsalita at sabihin ang gusto niya. Mula pa kagabi iniinsulto na siya ni Marcus. Sinisilaw siya nito sa salapi. Kagabi nga tinanong ng walanghiya sa kanya kung magkanu siya, nakatikim tuloy ito ng sampal sa kanya. "I just want to give you the life you deserve, Amara," Marcus answered. "Talaga lang ah?" Tuya niya. Pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib habang hindi nag-aalis ng tingin sa lalake. Nakataas pa ang mukha niya, para ipakita na kailanman hindi niya ibaba ang ulo niya sa ganitong klasing lalake. "Ibibigay mo lahat ng gusto ko, pera, bahay, lahat-lahat, kapalit katawan ko?" Taas kilay na tanong niya kay Marcus. "Amara, let me explain," sabi pa nito at sinubukan siyang hawakan sa

