Pagmulat niya ng mga mata agad bumungad sa kanya ang maganda niyang asawa na mahimbing pa rin ang tulog. Napangiti siya, habang pinagmamasdan ito. Iyung bang lalo itong gumaganda habang tinititigan niya, lalo siyang na i-inlove sa asawa niya. "I love you, Savannah," bulong niya sa asawa. Maingat siyang bumangon at bumaba sa kama. Hindi na naman niya naiwasang mapangiti, nang makita ang mga damit nilang mag asawa na nakakalat sa sahig. Masyado kasi silang excited kanina kaya basta, basta na lang nila ikinalat ang mga damit. Isa-isa niyang dinampot ang mga damit at pinatong sa sofa na naroon, saka na rin siya nagbihis, boxer at slack na lang sinuot niya, hindi na siya nag pangitaas pa, para na rin bumaba muna ng bahay. Bago siya lumabas ng silid, muli niyang sinulyapan si Savannah na tulog

