Pagbalik nila ng Maynila kapwa sila naging busy ni Marco sa kani-kanilang mga trabaho. Siya balik photo shoot siya agad, para sa channel 8 ay iba pang endorsement na napirmahan na niya, dahil nga kailanga niya ng pera para maibayad sa utang ng Mommy niya. Sa Maynila din muna naka stay si Marco, para may kasama siya, marami rin itong trabaho sa San Ignacio, pero mas pinipili nitong mag stay sa maynila kasama siya. Minsan pag wala itong masyadong ginagawa sinasamahan na rin siya nito pati sa photo shoot niya. Dahil na rin sa natambak niyang shoot, hindi p sila nakakauwing mag asawa sa San Ignacio, pero may plano na sila this week, na umuwi ng San Ignacio at pumasyal sa mga magulang ni Marco para sabihin na nila sa mga ito na nagpakasal na sila. Sana na nga lang wala na silang maging problema

