Bago sila umuwi ng San Ignacio ni Marco, nagsabi muna siya sa asawa na nais niyang makita at makausap muna ang Mommy niya. Nabanggit sa kanya ng asawa na hindi pa daw nito personal na nakakaharap ang Mommy niya, ang secretary daw nito ang umasikaso ng lahat at kumausap sa Mommy niya, although nagpasalamat naman daw ang Mommy niya rito sa pamamagitan ng isang tawag, at hinihiling nga daw ng Mommy niya na makaharap si Marco para mapasalamatan ng personal. Doon sila patungo ngayon sa Alabang kung saan may bahay na sila ng Mommy niya roon. Dahil nga sa pag-uugalo ng Mommy niya, sa kanya pa rin pinangalan ni Marco ang bahay at lupang binili nito para sa Mommy niya. Ok na rin iyon para hindi iyon mabenta ng Mommy niya kung sakali. "Bakit sa Alabang mo pala napiling ibili ng bahay si Mommy?" Tan

