"Good morning, Marco. Nauna na kong bumaba para makapaghanda ng breakfast," malambing na sabi niya sa asawa at sinalubong pa ito. Kinawit ang mga kamay sa batok nito. "Anong ginagawa ni Marcus dito nang ganito kaaga?" Kunot noong tanong nito. Nasa mukha pa nito ang inis at mukhang hindi makakamove on agad. "Nag congrats lang naman siya sa atin, wala naman masama roon diba," malambing pa rin niyang tugon, para kumalma na ito. Natatakot siya pag ganito ang asawa. Hindi niya ito gustong nagseselos sa kapatid nito mismo. Ok lang kung sa iba, baka kikiligin pa siya, pero kung si Marcus ang pagseselosan nito, napaka awkward non, dahil magkapatid ang dalawa. "Anything else na sinabi niya?" Marco asked. "Wala naman," she answered. "Bakit kailangan pa niyang maagang magpunta dito?" Inis pa ri

