Galit na galit na lumakad palabas ng komedor si Hazel, habang ang mga mata nito at nakatingin sa kanya ng masama. Sinalubong naman niya ang mga mata nito. Walang dahilan para matakot siya kay Hazel, nasa tabi niya si Marco na asawa niya. Isama pang wala na rin namang magagawa pa si Hazel, kahit anong sipsip nito sa Papa ni Marco ay hindi na rin uubra pa, dahil isang mabuting ama si Mr. Leonardo sa mga anak nito. Walang ibang hangad ang mag asawang Leonardo, kundi ang ikabubuti ng mga anak ng mga ito. Saludo siya mga magulang ni Marco. "Ano ka ba naman kasi Marcel, bakit mo pa inimbita ang batang iyon. Muntik na naman siyang makapanggulo kay Savannah," sita ni Mrs. Leonardo sa asawa nito. "Ginawa ko iyon para marinig rin niya ang sasabihin ng mga bata. Nakita mo naman effective. Nag walk

