Marcus-11

1007 Words

Kinabukasan maaga siyang umalis ng mansyon para makapaghanda na sa pagpasok sa ekswela. Sa mansyon pa rin kasi siya natulog para samahan si Manang Hilda. Naglalakad lang siya pauwi nang mula sa malayo makita niya si Marcus na tumatakbo. Mukhang nag jo-jogging ito, hindi na rin siya nagulat pa ng may makita siyang buntot nito si Melissa. Pansin niyang laging magkasama ang dalawa ngayon, halos sa mansyon na nga rin tumira si Melissa sa pagbuntot-buntot nito kay Marcus. Nagtago siya sa mga tanim na naroon para hindi siya makita ng mga ito lalo na ni Marcus. Si Melissa naman na may pagka feelingera tinarayan siya kahapon nang makita siya sa mansyon. Inuusisa pa nga nito kung sino siya. Hindi na lang niya ito sinagot. Hindi naman ito ang boss niya bisita lang naman siya sa mansyon. Kahapon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD