"Ano nakita mo na ba siya?' Tanong ni Carlo sa kanya nang papuntahin ang kaibigan sa asyenda. Marami kasi siyang inaasikaso sa asyenda ngayon, kaya hindi siya makalabas. Buti na lang at wala namang ginagawa ang kaibigan at agad itong pumunta sa asyenda. Hindi rin tuloy niya maaabangan si Amara sa gilid ng San Miguel University, kung sa bagay sabado ngayon, baka wala din naman itong pasok. "Nakita ko isang beses. Hindi naman binigay ang cellphone number niya. Sigurado naman akong nakilala niya ko," paliwanag niya sa kaibigan. Sa tabi ng pool sila nag-uusap ng kaibigan. Nagpahanda na rin siya ng meryenda kay Manang Hilda, hinihintay na lang niya. "Sa pagkakaalam ko kasi hindi niya talagang trabaho iyon, para ikaw ang unang customer niya pare," Carlo said. Alam niya ang tungkol doon. Pero s

