Pagdating sa dulo ng asyenda agad na silang bumaba ni Marcus para sa labas na lang mag usap. Kanina habang nasa biyahe sila pareho silang tahimik ni Marcus. Maraming salitang pumapasok sa isip niya, ang dami niyang nais sabihin kay Marcus. Ngayong nakarating na sila parang nawala na lahat ng gusto niyang sabihin rito. Paano nakita niya kung gaano kaganda sa dulo ng asyenda. Matagal-tagal na rin kasi nang huli siyang magtungo roon. Malayo na masyado kasi ang dulo ng asyenda kung lalakarin lang niya. Noong bata kasi siya may bike siyang nagagamit patungo roon. "Wow, hindi ko alam na may ganito pala kagandang lugar dito sa asyenda," sabi ni Marcus habang nililibot nito ang mga mata sa buong kapaligiran. Maganda, tahimik, malayo sa taniman at mga tauhan sa asyenda ang lugar na iyon. Bibihir

