Alam niyang mag uusisa si Amara tungkol kay Melissa. Pero wala naman silang relasyon ni Melissa, hindi niya ito nililigawan, although pinagkakasundo sila ng lolo niya. Hindi siya interesado kay Melissa kay Amara siya interesado at nakahanda siyang sumuway sa kagustuhan ng lolo niya para kay Amara. "Melissa is nothing, wala kaming relasyon, hindi ko siya nililigawan, walang namamagitan sa amin, walang-" "Siya ang gusto ng lolo mo para sa iyo," putol nito sa sasabihin pa sana niya. "Well, maybe siya nga ang gusto ng lolo ko for me. But," sadya niyang binitin sa ere ang sasabihin. Pinakatitigan si Amara na naghihintay sa sasabihin pa niya. Amara is really beautiful, napakasimple pero lutang na lutang ang ganda nito. Gandang bumabagabang at gumugulo ng todo da isip niya. Kanina habang kasa

