"Hi, Amara," bati sa kanya ni Marcus. Humugot siya ng malalim na paghinga at sinulyapan ang mga babaing nakatingin sa kanya. Halos lahat pa nakataas ang mga kilay. Ngumiti siya at sinulyapan muli si Marcus na natingin pa rin sa kanya "Anong ginagawa mo rito, Marcus?" Tanong niya sabay hakbang palapit sa lalaking na nakatayo sa tabi ng sasakyan. "Sinusundo kita," tugon nito. "I see," tugon niya at nagtuloy sa may pintuan ng passenger seat. "Aalis na ba tayo?" Tanong niya kay Marcus, napansin pa niyang nagulat ito sa pagpayag niya agad nang sulyapan niya ito. "Ah.. Yeah.. Yeah..," tugon nito at pinagbuksan ang pintuan para sa kanya. Agad na siyang sumakay sa loob hindi na nilingon ang mga babaing narinig niyang nagbubulungan. Wala siyang panahong pansinin pa ang mga kaeskwelang pwed

