bc

MARRY YOU

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
billionaire
second chance
CEO
drama
sweet
bxg
rejected
like
intro-logo
Blurb

Karina Acosta, ang nag iisang babaeng makamandag pa sa kobra ahas ang tabas ng dila. Natural na sa kanya ang malakas na boses at palagi nakasigaw sa tuwing hinahamak at inaapi ang kanya pamilya. Isa lang naman ang pangarap niya sa buhay eh, “Ang mag asawa ng mayaman para maiahon sa kahirapan ang kanya pamilya.”

Ngunit paano nga ba matutupad ang pangarap niya? samantalang hindi nga sila makaalis alis sa tuktok ng bundok, kung saan sila nakatira.

Ayaw niya talaga maniwala sa salitang himala! pero tila hulog ng langit sa kagubatan ng matagpuan ng tatay niya ang isang lalaking tutupad sa kanya pangarap at gigising sa kanya ng katotohan sa pagkakaiba ng langit at lupa.

Magawa pa kayang ipaglaban ni Karina ang kanyang pangarap? Sa ikalawang katauhan ng kanyang asawa?

This is a work of fiction. Any name’s of the character, places and the event portrayed in the story are fictitious.

Any similarity to real persons, places and event is purely coincidental and unintentional by the Author.

-obie yash

chap-preview
Free preview
EPISODE 1 PROLOGUE
PROLOGO KARINA ACOSTA, 18 years old, from the Mountain of Baliraya, ISABELA. Panganay na anak ni Mang Danilo at Aling Melodina Acosta. Panganay sa lima mag kakapatid na sinundan ni Janina trese anyos, Rosana Sampu taon gulang, Winuna pito taong gulang at ang pinaka bunso si Baby Dan-dan months old pa lang. Si Karina ang boses ng kanyang Pamilya. Dahil sa kahirapan ng buhay madalas silang apihin at hamakin ng kung sino sinung tao na may kaya sa buhay. Kaya literal na mabalasik at bastos ang kanyang bunganga sa mga taong hindi ka galang-galang. Sa kabila ng masaya at matapang niyang anyo pisikal, ay nababalot ng lungkot at paghihirap ang kanyang kalooban dahil sa matinding hirap na pinag dadaan ng kanyang pamilya. Ngunit tila hulog ng langit sa kagubatan ang isang tao na tutupad sa nag iisang pangarap niya sa buhay. “Ang mag asawa ng mayaman para maiahon sa kahirapan ang kanyang Pamilya.” Mahigit dalawang buwan ang inalagi ng estranghero sa kanilang pamilya sa tuktok ng bundok. Nagising ito ng hindi alam kung sino siya? Walang maalala sa nakaraan at hindi alam kung papaano nawalan ng malay sa gitna ng kagubatan. “Kuya Pogi” ang bansag ng kanyang mga pilya kapatid. Sa tanang buhay nga naman kasi nila ay ngayon lang sila nakakita ng ganito uri ng anyo ng isang tao. May taas ito ng 182 cm, maputi at mamula mula ang malambot nito balat. Chestnut brown ang kulay ng pilik mata at kilay nito. Natural na mapula at manipis ang kanya labi. Medyo longhair ang curly nito light brown na buhok. Perpekto ang tangos ng ilong at hugis ng kanya mukha. Kulay asul ang mga mata at talaga naman nakakapag laway ang matikas at maganda nito hubog ng katawan. Naging tourist spot tuloy ang bundok ng Baliraya dahil sa kanya. Dinarayo ng mga taga bayan ang estranghero, naging sikat at tampulan ng tuksuhan ang pagiging malapit at lagi nila pag sasama ni Kuya Pogi. Madalas sila asarin at biruin ng kanilang mga kababayan. Na sinasakyan na lang ng matalas na bibig ni Karina. Hindi naman kasi umaangal si Kuya Pogi at mukhang hindi naman naiintindihan ang kanilang lengguwahe. Si Pogi ang naging katuwang ni Karina sa loob ng dalawang buwan. Katuwang niya ito sa pag mulat palang ng mga mata sa umaga. Hanggan sa payapang pag tulog ng kanilang Pamilya. Sa una ay nakatanga lang ito sa takbo ng kanilang buhay, halatang walang alam sa ngyayari sa paligid. O sabihin na natin hindi alam ang gagawin sa ganito klase ng pamumuhay nila. Lumipas ang isang linggo dahil sa bunganga ni Karina ay naging sunod sunuran ito sa dalaga. Tinuruan niya kung paano mamuhay sa tuktok ng bundok. Naglalaba sa talon, nag tatanim ng mga gulay. Nag susuga ng mga alaga hayop, nag aani ng mga gulay at binabagsak nila sa bayan para kumita ng pera. Nag u-uling sa gubat at tumutulong sa pag papakain sa kanya Pamilya. In short, dahil kay Pogi medyo gumaan ang buhay nila at naging masaya sila. KARINA POV Apat na araw na ang lumipas simula ng matunton si Pogi ng kanyang tunay na Pamilya. Apat na araw na din siya walang katuwang sa tuktok ng bundok. Hindi siya mapalagay at pakiramdam niya ay may kulang sa kanya pagkatao. Kung hindi lang maayos at buhay si Pogi kasama ng Pamilya nito ay iisipin niyang minumulto siya nito. Hindi kasi maalis sa isip niya na wala na ito. Paano ba naman palagi ito nakabuntot sa kanya likod noon. Kung ano sabihin at ipag utos niya ay mabilis nito sinusunod. Kahit isang beses ay hindi ito nag reklamo oh umangal sa kanya sinasabi. Sa halip naging maunawain ito at maaalahanin. Kaya medyo nababawasan ang pagiging taklesa niya dahil sa hindi maipaliwanag ng kanya damdamin kung bakit siya na hihiya para dito. Ngayon naman ay madalas siya napapatula dahil parang nakikita niya pa ito sa paligid. Katulad ngayon nasa may talon siya at nag kukusot ng mga damit nila. PAST Humihingal sa pagod si Pogi ng makalapit kay Karina sa batuhan. Prenteng naka salampak ng upo ang dalaga habang seryoso sa ginagawa. “Karina, napuno ko na ang tapayan at drum sa bahay saka sa palikuran. Ano na ang susunod kung gagawin?” Masigla tanong nito habang seryoso na katitig sa akin. Umupo siya sa kabilang bato at nakaabang sa akin sasabihin. Nakasuot siya ng maong short hanggang tuhod. Ginupit ko ang pantalon ni itay para may magamit siya. Medyo kupas at butas na nga lang pero pwede pa. Wala siyang damit pang itaas dahil kakatapos lang nito mag salok ng tubig. “Tanggalin muna yang panloob mo brief at kukusotin kona dito! Ayoko na mag sabay ng labahin mamaya pag paligo ko at ibabato ko na ang mga labahin!” Madiin wika ko at nang gigigil sa pag kusot ng tambak na damit. Hindi man lang ako nag abala tumingin sa kanya ng bigla siya tumayo sa tabi ko. Napalingon ako sa paa niya natataranta. Saka ako nag angat ng tingin sa kanya at halos malula ako sa tangkad niya. Ngunit bigla namilog ang mata ko ng mapansin hirap na hirap siya sa pag hubad ng short na maong. “Pastilan ka! Ano ginagawa mo?!” singhal ko sa kanya bago pa siya tuluyan mag hubad sa tabi ko. Natigilan naman ito at lumingon sa akin. “Naghuhubad, sabi mo lalabhan mo ang panloob ko?” inosente sagot nito. Naiinis na binato ko sa kanya ang kinukusot ko damit na may bula pa. Agad naman nito nasalo ang damit at kunot noo bumaling sa akin. “Mag lublob ka sa gitna ng talon at duon ka mag hubad! Langya to! Gusto pa ko magkasala. Nawalan ka lang ng alaala! pati ba naman tama at mali nakalimutan muna?!” Namamaos na sigaw ko. Ke aga aga pinasasakit na naman niya ang ulo ko. Muling binalik ni Pogi sa pagkaka zipper at pag kabutones ang kanya short, saka iiling iling na napakamot sa batok. “Malamig pa ang tubig karina, pagkaligo na lang natin mamayang tanghali. Ako na lang ang mag lalaba,” nahihiyang mungkahi nito. Napatayo ako sa batuhan at nameywang sa harap niya. “Marami kang sabon? Nasaan?! Kita muna nga madalang pa sa patak ng ulan makapaglaba dito! Tatatlo tatlo ang brief mo! Isang beses sa isang buwan ka mag papalit? Hunghang to! Hindi porke’t taga bundok tayo, mag babaluga kana sa katawan mo!” Pagsesermon ko sa kanya. Madalas ko talaga siya matalakan dahil marami siyang hindi maintindihan na bagay bagay sa paligid niya. “Eh bakit ang mga kapatid mo pagkaligo sa talon daretso na sila sa pangangahoy? Hanggan sa matuyo sila, hindi naman sila nag papalit ng damit dahil napansin kona iyon padin ang suot nila damit bago matulog,” Bigla nasamid ako sa sinabi niya. May punto nga naman siya. Pero mga kapatid ko yun ih, laki sa bundok kaya mga sanay na at hindi basta basta tinatablan ng sakit. “Pag sasabihan ko pag uwi sa bahay! Wag mo sila tularan dahil hindi ka naman lumaki sa bundok.” Agad ako umupo at bumalik sa ginagawa ko. May pag mamadali sa kilos ko para matapos agad dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko sa gutom. Kakamot kamot naman sa ulo ng tumalikod si Pogi. Maya maya pa ay narinig kona ang biglang pagtalon niya sa tubig. Narinig ko pa ang bahagya pag sigaw nito ng malamig. Ngingisi ngisi ako sumulyap sa kanya. Nawala ang pilyo ko ngiti sa labi at napatulala pa ako ng suklayin pataas ng dalawa niya palad ang kanya nakaladlad na buhok sa mukha. Pagkatapos ay ibinaba niya ang mga kamay upang simulan ang pag hubad ng short na maong sa ilalim ng tubig. Naitikom ko agad ang bibig ko na nakaawang na pala at ilan beses pang napalunok bago nag iwas ng tingin sa maganda tanawin. Nag iinit ang aking mukha sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso. Hindi naman ako inosente sa mga kabastusan bagay dahil sa dalawa kung kaibigan na si Ponang at Marikit. Nahahatak nila ako sa mga kabalbalan ngunit madalas ay seryoso ako, lalo na pag dating sa pamilya ko. Hindi ko mapag tuunan ng pansin ang ibang bagay dahil mas inuuna ko ang sitwasyon ng aking pamilya. “Karina, nahubad ko na oh!” nakangiti tawag nito sa akin habang pinaiikot sa daliri ang garter ng kanyang brief. Nakasimangot ko siya binalingan upang maitago ang kabalbalan nag lalaro sa aking isip. “Aba’t! ipanhik mo na yan dito at tapos na ako! Ibabato ko yan panloob mo! Napapagod nako dito!” singhal ko sa kanya. Agad naman umahon ang binata at mabilis na lumapit sa kanya. Pag kaabot nito sa kapiraso pan loob ay agad niya iyon nilublob sa bula. Umupo ulit ang binata sa tabi niya at tahimik na nakatingin sa ginagawa niya. “Bakit nanginging ang mga kamay mo habang kinukusot ang brief ko?” balewalang tanong nito. Natigilan ako sa sinabi niya at pinag masdan ang kamay ko. Putek nayan! Pati ba naman yon napansin pa niya? Sa tagal ko na siyang pinaglalaba bakit parang bigla ako nakaramdam ng hiya? At nanginginig pa! “Na pasma siguro sa pag uuling kahapon. Ano bang tinitingin tingin mo dyan?! Mag banlaw kana at ng makauwi na tayo! Gutom nako kala mo ba!” “Dapat kasi nag baon tayo ng inihaw na kamote eh,” “Wag ka ng mag daldal dyan! Kumilos kana at baka ikaw pa ang ihawin ko diyan!” singhal ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Mabilis kumilos si Pogi at binuhat ng walang kahirap hirap ang tambak na damit sa tabi ko. Agad ito sumalampak ng upo sa ibabang batuhan at mabilis nag hawhaw ng damit sa umaagos na tubig mula sa talon. May ngiti sa labi ko habang pinag mamasdan ang malapad niya likod. Sa Gwapo at tangkad niyang lalaki ay umabot lang ako hanggan dibdib niya. Sabi ng mga kaibigan ko matangkad na daw ako sa taas na 5’4. Pero kapag siya ang katabi ko ay nababansot ako. Slim ang katawan ko, kayumanggi ang balat at mahaba ang itim na buhok. Ms. Mountain of Baliraya ang bansag sa akin dito sa bayan namin. Dahil minsan na ako sumali sa mga patimpalak sa bayan. Nakumbinsi ako ng tita bakla ni Marikit na makilahok dahil sa itinatago ko daw na ganda. Marami nag sasabi ako daw ang diwata sa bundok dahil sa angkin ganda ng mukha ko. Hindi ko naman pinapansin ang pinag sasabi nila dahil tanging sa tubig lang ako na nanalamin. PRESENT Napakurap ang aking mata ng may marinig ako sumisigaw sa may dulo ng talon sa pangpang. “ATE! Ate Karina!” hiyaw ni Janina na akala mo ay tarzan kung makatawag. Kunot noo ko siya binalingan ng hindi na nag abala maglakad pababa sa mataas na parte ng kakahuyan. Sa halip nag padaos dos ito ng pwet na akala mo ay nag slide pabagsak sa swimming pool. “Hangal kaba Janina?! Paano kung masira yang suot mo short? Ha?! Marami kang pambili ng damit bata ka! Kita muna nga bigay bigay lang sa bayan ang sinusuot natin. Pastilan ka talaga!” Nanggigil na singhal niya sa kapatid. “Ate! Madali ka bilis! Si kuya Pogi, bumalik siya ate! Hinahanap ka nya!” balik na singhal sa akin ni Janina. Natulala ako sa masaya niya mukha, at mabilis na naproseso ng utak ko ang sinabi niya. Putang’gala si Pogi bumalik siya?!! Bakit?!! Hiyaw ng kanyang isip habang binabagtas ang daan pauwi sa kanilang bahay. Iniwan na niya si Janina sa may talon. Hindi niya maintindihan ang kanya nararamdaman. Masayang masaya siya ng malaman bumalik ang binata, parang robot siya na isang pindot lang ay biglang na numbalik ang kanya sigla. Nag padaos dos din si Karina sa likod bahay nila para mabilis makarating. Malayo pa kasi ang iikutin kung sa harap pa siya ng bahay dadaan. Wala siyang pakialam sa mga ilan pananim na nasira nya. Ang Importante sa kanya ay muling masilayan ang binata na ilang araw na siyang parang minumolto ng mga alaala. Natigilan si Karina ng mahagip ng kanya mga mata ang isang bulto ng lalaki na nakatalikod sa kanya. Prenteng nakapamulsya ito habang nililipad ng hangin ang may kahabaan nito buhok. Tahimik ito nagmamasid sa ibaba ng burol malapit sa aming bahay. Dahan dahan siya humakbang palapit dito at ng maramdam ng binata ang kanya presensya ay agad ito humarap sa kanya ng nakangiti. Natulos si Karina sa kanya kinatatayuan ng mapagmasdan maigi ang kabuuan ng binata si Pogi. Hindi na kapos sa tela at butas ang suot suot nito damit. Ngayon ay nakasuot ito ng mamahalin damit at sapatos. Hindi amoy araw at usok. Langhap na langhap ko ang mabango niya cologne dahil sa lakas ng hangin. Halos malimutan ko ng huminga ng humakbang siya palapit sa akin at bigla na lang ako yakapin ng may ngiti sa labi. Napasinghap ako ng bumitaw siya sa akin at pakatitigan ako sa mukha. Bigla tuloy nag init ang pisngi ko at nakaramdam na naman ako ng hiya. Kahit alam ko namumula ako ay sinalubong ko parin ang kanyang mga tingin. Masaya ako tumitig sa kanya. “Wow! Sobra na pogi mo ngayon ah? Ang galing talaga mag pangalan ng mga kapatid ko,” natawa ako at natawa din siya. Iisa kami ng nasa isip ng maalala ang kalokohan ng mga pasaway ko kapatid. “Oo nga eh, akalain mo magiging sikat pala ako dito sa inyo, nga’pala kamusta kana? Ilang araw na din ako wala dito. Sinasamahan kaba ni Janina pamumundok?” napalitan ng pagaalala ang masaya ngiti nito. At nabalot naman ng lungkot ang masaya ngiti ko ng maalala nag iisa na ulit ako simula noon umalis siya para sumama sa tunay na Pamilya. “Hindi nako nag pasama. Kita mo naman ilan buwan palang na kakapanganak si inay, hindi siya pwede mabinat at mag kasakit dahil wala kami pera pam pagamot. Kaya si Janina muna ang bahala sa lahat ng gawain bahay, sa’ka kaya ko naman mag-isa. dito kaya ako lumaki.” Pagbibida ko pa sa kanya para hindi siya mag alala. Ngumiti ako ulit para ipakita sa kanya na okay lang ako. “Kaya pala hindi ako mapalagay sa bahay namin eh, sinosolo muna naman lahat ng hirap at pagod.” “Ha?” tanong ko at parang nabingi ata ako. Hindi daw siya mapalagay? Iniisip din kaya niya ako katulad ng pag iisip ko sa kanya? Pero bakit? Bakit kaya parehas kami? “Simula nung umalis ako hindi kana nawala sa isip ko. Saka ang pamilya mo, kung paano na ulit kayo dito,” “Ayos lang naman kami dito. Ganun pa rin ang takbo ng buhay namin,” sabi ko at ngumiti lang ng tipid sa kanya. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko maipaliwang kung ano ba ito? Basta masaya ako kasi naalala niya kami ng pamilya ko para kamustahin. Nag taka ako ng hawakan niya ang mag kabilaan ko palad at pinagsalikop yun habang mag kahawak kami ng mga kamay. May kung ano ako naramdaman na hindi ko maintindihan. Tumingin ako sa mga mata niya, na matiim na nakatitig din sa mga mata ko. Seryoso at malalim ang iniisip. “Ui pogi, bakit? May problema ka ba?” naiilang na tanong ko sa kanya. Ilang segundo lang ay ngumiti lang siya. Tinaasan ko siya ng kilay ng bigla maging seryoso ulit ang kanya gwapo mukha. “Mayaman ako karina, higit pa sa mayaman na iniisip at inaasahan mo. Bumalik ako dito para tuparin ang pangarap mo, pakakasalan kita. Mag pakasal tayo karina,” Seryoso wika niya habang titig na titig sa mga mata ko. Ano daw?? Kasal? Kumurap kurap ako ng mata baka kasi nanaginip o namamaligno lang ako. Pero totoo mag kahawak kami ngayon ng mga kamay habang malapit sa isat isa. “Ano sabi mo pogi? Paki ulit nga!” halos mag isang linya ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Liam, karina. Ako si Liam Morgan. Liam ang tunay ko pangalan at nandito ako ngayon para sabihin.. na handa ako pakasalan ka.” ANG NAKARAAN.. itutuloy…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook