DIANE’s POV “Misis, babalik din ako kaagad. May kailangan lang akong bilhin sa poultry supply. Doon ako maghihintay sa iyo. Doon ako pupwesto,” wika ng aking Mister sa pagtigil namin dito sa may harapan ng hospital. Itinuro pa niya sa akin kung saan niya ako hihintayin. “Okay, Mister ko. Baka mainip ka naman sa paghihintay sa akin. Hindi pa nga natin alam kung anong oras ako matatapos dito. What if maraming aplikante? Gusto mo, umuwi ka na lang muna at tatawagan na lang kita kapag tapos na ako rito.” Sambit ko rito at gusto ko na sanang bumaba. “Sige, tawagan mo lang ako. Pero maghihintay pa rin ako sa iyo. Good luck, Misis ko.” Tugon nito sa akin at may bumubusina na sa may likuran namin. Mabilis na akong nagpaalam sa kaniya. Hinalikan pa ako nito at nagmadali na rin ako sa pag

