SHADON’s POV “Mister ko, daan muna tayo sa palengke. Wala naman sina Mommy sa bahay. Wala rin ang mga kapatid ko, pati rin si Daddy. Gusto ko rin makita si Mommy. Nasa palengke siya ngayon.” Malambing na sambit ng Misis ko. “Okay po, Misis ko. May gusto ka bang ipasalubong natin kay Mommy?” Mommy ko na ngayon si Tita na Aling Donielyn ang tawag ko noong hindi ko pa nagiging kasintahan si Diane at ngayon ay Misis ko na siya. Nangiti naman ang Misis ko. Baka naisip niya ang pagkakabigkas ko sa salitang Mommy. “Malapit na ang lunch time, Mister ko. Bili na lang tayo ng ating pagkain pati na rin sila, idamay natin. Pera ko na lang ang gamitin natin. Ako na lang ang gagastos.” “Misis ko, itabi mo na lang ang pera mo. Kapag kailangan mo ng pera, magsabi ka lang sa akin. Ganito na lang, may

