DIANE’s POV Kay bilis nang takbo ng panahon. Nagtatrabaho na ako rito sa hospital. Umaga ang schedule ko ngayong buwan. Sa susunod ay panghapon naman ako. Ang oras ko ngayon ay 6 am to 2 pm. Susunod sa shift namin ay 2 pm to 10 pm, na siyang schedule ko next month. At ang huli o sa makalawang buwan na magiging schedule ko ay 10 pm to 6 am. Ayaw kong mahuli, ayaw kong magahol sa oras. Gusto ko bago magsimula ang time ko, all set na ako. Magtatrabaho na lang ako. Hindi naman nakakapanibago dahil nag-work din naman ako sa private hospital pagka-graduate. Tumigil lang ako dahil sa pag-a-apply ko sa Manila. At nagtrabaho kay Wowa. Ang Mister ko ay nag-adjust din ng time. Pero ang alam ko noon, mas maaga pa nga ang work niya dahil madaling araw ay may delivery sila. Nito ko lang nalaman na

