DIANE’s POV “Good morning po. Nakatulog po ba kayo, Nay?” bati ko sa isang patient dito. Papainumin ko na siya ng gamot. Noong isang araw pa siya nandito. Wala akong nakikita pang kasama niya. Medyo masungit sa akin si Nanay pero kaya ko naman. Naiintindihan ko dahil baka masama lang ang kaniyang pakiramdam. Wala siyang sagot sa akin. “Nay, kumain na po ba kayo? Oras na po kasi para uminom po kayo ng gamot.” Magiliw pa rin ako kahit hindi niya sinagot ang una kong sinabi. “Alam mo, huwag ka na magbait-baitan pa sa akin. Alam kong style mo rin iyan para maikampanya mo ang asawa mo na tatakbo bilang Kapitan. Malakas na ang balita na tatakbo pa rin siya. Humanap lang siya ng dahilan para makatiwalag sa grupo ni Kap. Gahaman kasi ang asawa mo.” Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya ba siya

