DIANE’s POV Maagang umalis ang aking Mister, pagkatapos namin kumain ng almusal. Kasabay namin ang mga kapatid niya na wala pang mga asawa. Si Shador at pamilya nito ang wala rito dahil nasa unang bahay nila ito nakatira. Dahil unang nag-asawa si Shador ay sa kaniya ibinigay ang bahay. Dito rin sa Manila ang hawak niyang negosyo. Mayroon si Shadon, ang bahay na tinirhan naming dalawa. Mas gusto kong manirahan sa Santa Monica kaysa rito sa Manila. Okay lang na paminsan-minsan na pumunta rito – kapag dadalawin si Wowa. Hindi na ako papasok kay Wowa dahil nasa Santa Monica ang trabahon ni Shadon. Kung nasaan ang Mister ko, nandoon din ako. Kaya pagbalik namin at hindi pa ako buntis, mag-a-apply ako bilang nurse. Gusto ko pa rin mag-work, kahit sabihin pang mayaman ang pamilya ng aking Mi

