DIANE’s POV Dumiretso agad ako sa kwarto namin ni Shadon pagkarating namin sa bahay ni Adie. Nakakahiya man ay niyaya ko na siyang umuwi dahil iniisip ko na baka dumating nang maaga ang Mister ko – miss ko na siya. Wala naman sa labas sina Mommy. Sa laki ng bahay nila ay mahirap talagang magkakitaan. Maliban na lamang kung alam mo ang tinatambayan nila sa mga ganitong oras. Ang daming pinamili ni Adie na lingerie sa akin. Nagsabi na rin naman ako na hindi na ako lalabas para sa dinner dahil busog na ako. Sinabi ko pa sa kaniya na maaga akong matutulog para pagdating ni Shadon ay may sapat na akong lakas. Inilabas ko ang isang lingerie na sobrang mapanukso. At gusto kong tuksuhin ang Mister ko. Hindi siya makakatanggi sa aking gagawin. Dinala ko sa closet ang mga pinamili namin dah

