SHADON’s POV Naalimpungatan ako at tila may kulang sa tabi ko. Wala ang Misis ko. Baka nagtungo siya sa bathroom. Nakaramdam din ako na kailangan kong gumamit ng bathroom. Plano kong gulatin sana siya, ngunit narinig ko na may nagsasalita at nasa may closet ito. Sino kaya ang kausap niya? Dahan-dahan pa ako sa pagpasok, hindi pala siya ang nagsasalita. Napalakas ang tulak ko sa pinto kaya napalingon ito sa akin. "You know, I like you, Shadon! I'm only asking for a little bit of your time. I'm willing to share you with your wife, if the rumors are true that you are married." Dinig ko ang sinabi ni Livia. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman sa mga oras na ito. Nakatingin sa akin ang aking Misis at wala akong makitang emosyon sa kaniyang mukha. Kung galit ba siya o kung gust

