SHADON’s POV Buo na ang line up para sa aming partido. Huming kagawad na pumasok ang anak ni Kap na si Livia. Mas bata sa akin ng anim na taon si Livia. Isang taon ang tanda naman ni Diane sa kanya. Naiisip ko pa rin si Diane. Nandoon pa rin siya kay Wowa at balita ko ay mas lalong naging malapit ang dalawa. Nakakadalaw naman ang pamilya ko kay Wowa, ako ang hindi simula nung magtrabaho si Diane doon. Lagi akong hinahanap ni Wowa, sabi nina Daddy at Mommy. Kung si Shador ang favorite nina Grandmama at Grandpapa, ako naman ang favorite ni Wowa at si Shadie dahil nag-iisang babae lang siya. Wala ng ibang babae pang apo kundi ang kapatid ko. Puro lalaki rin ang anak ni Tita Bailey at Tito Brad. Nagtataka lang ako dahil ilang buwan na hindi pa rin umaalis si Diane papuntang ibang bansa.

