SHADON’s POV Pauwi na kami sa Santa Monica. Ito ang gusto ng Misis ko. Siya ang nagyaya sa akin. Siguro ayaw niya rin na habang may pinagdadaanan kami ay nandito kami sa bahay ng parents ko. Hindi naman siya galit, the way na kausapin niya ako. Nag-uusap kami habang nasa byahe kaming dalawa. Kahit kaninang umaga pagkagising namin ay nagbatian pa kami ng good morning at nagawa ko siyang halikan. Iyon nga lang at sa pisngi lang. Masaya na ako kahit ganoon. Mabilis naman lumipas ang mga araw. Magigising na lang ako na tapos na ang kaniyang ibinigay na timeline. “Mag-a-apply na pala ako sa public hospital sa atin. Gusto kong mag-work. Sana ay payagan mo ako.” “Okay lang sa akin, Misis ko. Kung iyan ang nais mo para mag-grow ka, walang problema. Susuportahan kita. Kailangan ka ng atin

